May 24, 2025
Alden Richards attributes success to effective teamwork with Maine
Latest Articles

Alden Richards attributes success to effective teamwork with Maine

Feb 15, 2017

Nagkaroon na ng katuparan ang pangarap ng Pambansang Bae na si Alden Richards na makasama si Maine Mendoza sa isang major teleserye na nasa kanyang bucket list at ito ay sa teleseryeng Destined to Be Yours.

“Noon pa naman kasi, nag-aabang na ang fans po namin ni Maine. Pagkatapos noong kalyeserye at noong movie namin, naging curious po sila kung ano ang mangyayari sa amin ni Maine,” aniya.

Kahit tapos na ang kanilang kalyeserye at pumapasok na sa bagong kabanata ng kanilang buhay at career, naniniwala si Alden na lalong tumitingkad ang chemistry ni Maine.

alden-and-maine

“Kami kasi ni Maine, hindi namin plinano ito. We just let life play along and just live with it. We know naman that we are living in an industry where there’s a lot of pressure, a lot of demands, a lot of clamor,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Alden, mas bumilib siya ngayon kay Maine kumpara nang makasama niya ito sa God Gave Me You.

“Ginalingan po kasi niya. Siyempre,malaking factor din na mas kumportable na kami sa isa’t isa,” sey niya.

Bilang isang actor na nahasa sa mga teleserye, generous naman si Alden sa pag-alalay kay Maine.

destined

“Kapag may eksena kasi ni Maine, nagbibigayan kami. Importante kasi sa acting iyong bigayan kayo sa scene. Mahirap po kasi kapag iaarte mo siya para sa sarili mo. You have to act the scene with your co-actor and I think doon kami nagja-jive at nagco-complement,” pagwawakas ng actor.

Papel ng isang architect na nagkainteres na pagtayuan ng gusali ang lupaing pagmamay-ari ng mga Obispo na kinabibilangan ng anak nitong si Sinag (Maine), ang papel na ginagampanan ni Alden.

Ang Destined To Be Yours ay mapapanood na simula sa Pebrero 27 sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia.

Leave a comment