May 23, 2025
Janice de Belen lauds Maine’s willingness to learn
Latest Articles

Janice de Belen lauds Maine’s willingness to learn

Feb 20, 2017

Happy si Janice de Belen na nabigyan siya ang chance na makatrabaho ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza (Aldub) sa GMA teleseryeng Destined To Be Yours.

“Nanonood ako ng kalyeserye noon dahil siya ang pinapanood sa bahay. Actually, na-curious ako as to what makes them a phenomenon at noong nakatrabaho ko sila, doon ko na-realize kung bakit. Kasi,with Aldub, kung ano iyong nakikita ko sa kanila, iyon din ang nangyayari,” pagbabahagi ni Janice.

Puring-puri rin ng award-winning actress ang chemistry ng dalawa.

“Minsan masarap kasi makakita ng love team who’s working together at nakita ko iyan sa Aldub. Iyong maganda ang working relationship. Actually, they’re actually unassuming,” ayon kay Janice.

Bilang isang aktres, napagdaanan na rin ni Janice ang mai-partner sa iba’t –ibang love team.

“Siyempre, napakalakas ng pressure. I’ve been in the business for most of my life. The pressure will always be the same, regardless of noon at ngayon. Even iyong fans nina Guy and Pip, gusto nilang makatuluyan ang dalawa,” dugtong niya.

Naiintindihan din ni Janice ang ginagawang pag-a-adjust ni Maine from kalyeserye to teleserye.

“Actually, I told her na dapat ready siya. Iyong first scene pa lang, naiiyak na siya. Talagang ramdam mo ang nerbiyos at stress niya, pero natural lang naman iyon dahil lahat naman tayo ay dumadaan sa ganoong stage. So, I told her to relax. What’s good about Maine is wala pa siyang preconceived notions to do things. Wala pa siyang naiisip na kung anu-ano. Maa-admire mo rin iyong willingness niya to learn. Pinakamaganda rin sa kanya iyong timing, because timing is very important be it in drama, sayaw ba siya o comedy… and she’s got timing,” pahayag niya.

Ginagampanan ni Janice ang role ni Sally Obispo, ang kalog na nanay ni  Maine na isang pintor at manghuhula.

janice-de-belen

Tungkol naman sa kanyang anak na si Inah, masaya si Janice dahil nabibigyan ito ng break sa Kapuso network na kamakailan lang ay pumasok na rin bilang isa sa mga bagong karakter sa fantaseryeng Encantadia.

Leave a comment