
Piolo Pascual brings ‘Northern Lights’ to Philippine cinema
First time na mapapanood sa Philippine cinema ang tungkol sa ‘northern lights.’
Ang northern lights ay matatagpuan lamang sa mga piling lugar sa mundo kung saan makikita ang kakaiba at magandang tanawin ng pagsasayaw ng aurora o polar lights na nagsasabog ng iba’t-ibang kulay sa kalangitan.
Kaya nga, thrilled ang Ultimate leading man na maipakita ito sa kanyang pelikulang “Northern Lights: A Journey to Love.”
“It’s a once in a lifetime experience and getting to know if you still have the chance to love, to be forgiven and forgotten. Iyong mga bagay na tinatanong natin sa sarili natin. Iyong experience na something magical and wonderful to the point na parang binibigyan mo rin ng reward ang sarili mo. Actually, it’s the milieu and it’s the symbol it represents,” paliwanag niya.
Hindi rin niya itinanggi na nahirapan sila sa pagsho-shoot ng pelikula dahil elusive ang aurora borealis o ‘northern lights’ na kailangang abangan para makita.
“We shot more than half sa New Zealand. To set the record straight, Northern Lights o Aurora Borealis is found in the Northern Hemisphere, but when we were shooting summer kasi noon so walang Aurora Borealis that time, so we shot in Southern Hemisphere or Aurora Australis na may snow that time,” aniya.
Puring-puri rin Papa P. ang kanyang leading lady na si Yen Santos.
“Napanood ko siya sa “Pure Love” at “All of Me”, She’s not just a pretty face at magaling umarte. I believe she has a very distinct appearance. Very raw at mahal siya ng camera and working with her is another great experience,” ani Papa P.
Nagustuhan din ni Papa P. ang kuwento ng “Northern Lights” nang ilapit ito sa kanya ng direktor nitong si Dondon Santos.

“Kuwento ito ng isang father at iyong journey ng bond niya sa kanyang anak. Paborito ko kasing pelikula iyong ‘Pursuit of Happiness’. So we thought of something na makaka-relate ang lahat. Something na very real at relatable sa audience. Iyong mga totoong nangyayari sa buhay natin so we came up with this project,” aniya.
Nilinaw naman ni Papa P. na hindi halaw sa kuwento niya ang “Northern Lights” dahil hindi naman siya playboy.
“It’s not based loosely on my life. Malapit talaga siya pero hindi naman kinopya sa ganoong situwasyon. Hindi siya based sa nangyari sa akin dahil iba naman ang personal circumstances namin ng anak kong si Inigo,” esplika niya.
Iba rin daw ang relasyon niya sa anak na si Inigo kumpara sa kanyang character na Charlie, Sr. sa pelikula.
“Sa case kasi ni Inigo, nothing is forced about it. Right away, I said, he’s my flesh and blood, and claimed responsibility for him as his father unlike my character na hindi pa niya agad tanggap na may son siya from a past relationship,” sey niya.
“Also, I always make sure that whatever happens, I make it a point na iyong character ko is not the same with my life, but as I say, it’s always an advantage kung pinagdaanan mo na ang isang bagay para maka-relate ka,” pagwawakas niya.