May 23, 2025
Robi: Until now, I’m still hurting
Latest Articles

Robi: Until now, I’m still hurting

Mar 3, 2017

Kinumpirma na nina Robi Domingo at Gretchen Ho na hiwalay na sila sa pamamagitan ng official statement na ipinadala nila nung Wednesday sa Tonight With Boy Abunda.

Pero nilinaw nila na walang third party sa hiwalayan nla, na gusto lang muna nilang mag-focus sa kani-kanilang career.

Ibig sabihin nito, wala talagang kinalaman si Sandara Park sa break-up ng dalawa.

Sinasabi kasi na si Sandara ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Robi at Gretchen.

Sa presscon ng pinakabagong Kapamilya talent-reality show ng ABS-CBN 2 na I Can Do That, ay tinanong si Robi, na isa sa host nito together with Alex Gonzaga, kung alin ang mas mahirap gawin, ang mga challenge sa I Can Do That or to mend a broken heart.

Sabi ni Robi na teary eyed,” Siyempre, with all the things that happened, kailangan mag-move forward kasi there’s no time to be sad muna. I have the fair share of my sadness. Honestly, until now, I’m still hurting, pero kailangan kong mag-focus kasi you got lots on your plate. Ito na yung opportunity (magandang career), antagal mong hinintay itong moment na ito. Right now, with all the things that happened, I can do that because I have to.”

Ang walong candidates sa I Can Do That ay binubuo nina Cristine Reyes, Arci Munoz, Sue Ramirez, Gab Valenciano, JC Santos, Wacky Kiray, Daniel Matsunaga, at Pokwang.

Mapapanood na ito simula sa Marso 11 sa ABS-CBN.

Leave a comment