
Highlights, Winners: The 3rd Sinag Maynila Filmfest
Nagsama-sama ang mga finalist ng 3rd Sinag Maynila Film Festival sa ginanap na pagbibigay parangal, March 12, Samsung Hall, SM Aura, Taguig City.
Co-author: Josh Mercado
Raymond, Kristoffer bagged same trophy
Nag-tie sa best actor award sina Raymond Francisco para sa pelikulang “Bhoy Intsik” at Kristoffer King para sa pelikulang “Kristo.”
Papel ng isang con artist ang role ni Raymond sa “Bhoy Intsik” na idinirehe ng premyadong director na si Joel Lamangan samantalang isang kristo sa sabungan ang papel ni Kristofer sa “Kristo.”
Mindanaoan actress lead on
Wagi naman sa kategoryang best actress ang Mindanaoan actress na si Malona Sulatan sa pelikulang “Tu Pug Imatuy” (A Right to Kill) ni Arbi Barbarona.
Papel ni Obunay, isang Lumad na naging biktima ng karahasan ng mga military sa giyera sa Mindanao ang role na nagpanalo sa kanya sa nasabing pelikula.
Julio Diaz, his legacy
Napunta naman kay Julio Diaz ang tropeo para sa best supporting performer para sa kanyang role bilang malupit na amo ni Boy (King) sa sabungan sa “Kristo.”
This year’s best picture, best director, best screenplay
Itinanghal namang best picture ang “Tu Pug Imatuy” (A Right to Kill) ng Red Motion Media, Kilab Multimedia, Yellow Kite Productions, Play Weaver Productions at Norhaiya Macusang.
Naiuwi naman ni Arbi Barbarona ang best director award para sa “Tu Pug Imatuy” (A Right to Kill), ang kanyang first full-length directorial job.
Kinilala naman ang galing ni Arnel Mardoquio para sa pinakamahusay na dulang pampelikula o best screenplay para sa pelikulang “Tu Pug Imatuy” (A Right to Kill).
Si Mardoquio ang award-winning screenwriter-director ng “Sheika”, “Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim” at “Riddles of my Homecoming.”
Best cinematog, best editing, best sound
Nanalo naman sina Bryan Jimenez at Arbi Barbarona ng “Tu Pug Imatuy” (A Right to Kill) ng best cinematography award samantalang si James Arvin Rosendal ang nakakopo ng best production design para sa pelikulang “Kristo.”
Ang “Kristo” rin ang nagwagi ng best editing award para kay Diego Marx Dobles.
Ang best sound naman ay napunta kay Albert Michael Idioma (“Kristo) samantalang best musical score ay ibinigay kay Arbi Barbarona. (“Tu Pug Imatuy”).
The short film category
Sa short film category naman ay tinanghal na best short ang “Aliens Ata” ni Karl Barit samantalang ang “Hango” ni Avelino Mark C. Balmes, Jr. ang nanalo bilang best documentary sa documentary section.
Faves, people’s choice
Namayagpag din ang “Bhoy Intsik” dahil ito ang nakakuha ng Sinag Box Office award samantalang ang dance documentary na “Beyond the Block” ni Ricky Carranza ang nanalo ng SM People’s Choice Awards.
Ang mga kalahok sa 2017 Sinag Maynila Film Festival ay mapapanood pa sa SM Megamall, SM North Edsa, Gateway at Glorietta 4 cinemas hanggang Marso 14.
Mula sa Philippine Showbiz Republic (psr.ph), congratulations sa lahat ng winners! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!