
Michael Pangilinan clarifies breakup rumors with girlfriend Garie Concepcion
Walang katotohanan na nagkakalabuan na ang magkasintahang Michael Pangilinan at Garie Concepcion na gaya nang napapabalita.
Okey at going strong pa rin ang kanilang relasyon. Kung madalang man silang magkita ngayon, yun ay sa dahilang pareho silang busy sa kanilang respective careers.

Pero they see to it na nagtatawagan sila, na lagi pa ring bukas ang kanilang communication.
Sobrang mahal ng dalawa ang isa’t-isa kaya malabong maghiwalay sila. At kung nagkakatampuhan man sila, ay naaayos agad nila, na hindi na nila yun pinapatagal. Lalo na kung maliit na bagay lang ang hindi nila pinagkakasunduan.
Anyway, sa mga fans ni Michael, kung gusto ninyo siyang makita ng personal at nagpi-perform, catch him sa concert nila nina Sanya Lopez at Ronnie Alonte sa Huwebes, mamayang gabi, 8:00pm, sa Zirkoh, Tomas Morato billed as Luv Me Tonight.
*********************************************************************
Kasama rin sa Luv Me Tonight ang bagong talent ng kaibigan naming si Joel Mendoza na si Ryan Tamondong, ang tinanghal na Grand Champion sa Europop singing contest na ginanap sa Berlin, Germany noong November 29.
Tinalo niya ang contestants mula sa 17 European countries.
Ang magandang rendition niya ng “Be Strong,” na mula sa original composition ni Elmer Blancaflor ang siyang nagpanalo sa kanya.
‘Pag napanood ninyo ang concert, kayo na ang makapagsasabi kung bakit siya ang nanalo sa Europop singing contest. Siguradong pahahangain kayo ni Ryan sa kanyang performance. Di ba friend, Joel?
Produced ito ng dating sexy actor at member ng sikat na sikat noon na youth-oriented show na That’s Entertainment na si Jeffrey Gonzales at ng kaibigan at kasama sa panulat na si Roldan Castro.
Ang tickets ay mabibili sa Zirkoh. At para sa ibang detalye, mag-text o tumawag lamang sa 09053595091 at 09568573532.
*********************************************************************
Speaking of Sanya, nung napili siya ng GMA 7 para sa role na Danaya ay marami ang bumatikos sa kanya.
Bakit daw sa kanya ibinigay ang role to think na isa siyang nameless? Dapat daw, dun na lang ibinigay ang role sa mas kilala na, at may nalalalaman na sa pag-arte. Wala pa naman daw napapatunayan sa pagganap si Sanya.

Pero, naisip kaya ng detractors ni Sanya, na kahit nameless pa ang dalaga before, ay sa kanya ibinigay ng Kapuso network ang role na Danaya dahil naniniwala silang bagay dito ang role at magagampanan niya ito nang mabuti?
Yung sinasabi nilang may name nang artista ng Syete ay tinalo lang ni Sanya sa audition noon para sa nasabing role.
At ngayon, ano kaya ang masasabi nila, na marami nang tagahanga si Sanya dahil sa ipinapakita niyang husay sa pagganap sa Encantadia?
At maraming nagsasabi na bagay talaga sa kanya ang role dahil mukha naman siyang tunay na diwata dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan.
Siya nga ngayon ang tinaguriang bagong pantasiya ng mga kalalakihan.
Pangarap din pala ni Sanya na sumali sa Binibining Pilipinas balang araw.
Paghahandaan daw talaga niya ito.
Gusto rin daw niyang maging isang Pia Wurtzbach, na hindi naman daw masama ang mangarap.
Well, bakit hindi subukan ni Sanya na sumali sa prestihiyosong beauty pageant. Naniniwala kami na malaki ang posibilidad na manalo siya, sa totoo lang.