
Assunta de Rossi says she longs to have a baby
Aminado ang magaling at award-winning actress na si Assunta de Rossi na siya ang may problema kaya hindi pa sila nagkakaanak ng kanyang husband at dating Congressman na si Jules Ledesma.
“May problema sa fertility ko. Ako ang may problema kaya wala pa kaming baby,” panimula niya.
Pero kahit may problema, hindi pa rin daw naman siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay magkaroon sila ng baby ni Jules.
“We are exhausting all means. Baka, may remedy pa,” sey niya bagamat hindi niya in-elaborate kung ano talaga ang pinagdadaanan niya.
Ayon pa sa aktres, hindi raw daw sumagi sa isip nilang mag-ampon na lang ng kanyang mister.
“We are taking it one day at a time. Although 10 years is that long, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa,” aniya.
Hindi rin ikinaila ng aktres na paminsan-minsan ay naiinggit siya sa mga naging kapanabayan niya sa showbiz na ngayon ay may pamilya na at may mga anak na.
“Normal lang iyong maghanap ka pero at the end of the day, happy na rin ako dahil meron namang anak ang mister ko from his previous relationship, so thankful na rin ako,” paliwanag niya.
Sa kanyang pinakabagong pelikulang “Higanti”, ipinagmamalaki niya ang kanyang role.
“Kinarir ko talaga ang pag-aaral ng flamenco dahil ayaw kong mapahiya sa aming director at producer”, bulalas niya. “Importante rin kasi siya sa kuwento ni Leni. Kumbaga sa buhay natin, tulad ng sayaw dapat ‘all the right moves’ para hindi ka sumablay. Minsan sa pagsasayaw, may mga pagkakataon na natitisod ka,natatapilok o nagfa-fall , pero ang pinaka-importante ay kung paano ka babangon everytime na magfa-fall ka,” dugtong niya.
Para kay Assunta, hindi niya ginawa ang pelikula na may mind set na pang-award ito o panlaban sa anumang film fest.
“Lahat naman ng ginagawa kong roles, acting vehicle siya para sa akin. Pero, hindi ko siya ginagawa dahil gusto kong magka-award or anything. Basta ako, bilang actress, binibigay ko lang ang ‘best’ ko sa bawat role na ipino-portray ko. Bonus na lang sa akin iyong mapansin ang performance ko,” aniya.
Nilinaw naman ni Assunta na hindi inspired ang karakter niya sa buhay ng isang kilalang political figure.
Papel ng isang suffering wife nawalay sa kanyang mga anak , kinaliwa ng kanyang mister at inapi ng mistress nito ang role ni Assunta sa “Higanti”.
Hirit pa niya, wala siyang pinaghugutan ng kanyang karakter sa “Higanti”.
“Hindi naman kailangang may paghugutan ka o maranasan mo ang isang bagay para magawa mo ang role mo. Bilang artista, iyon ang pinaka-challenge sa amin. As an actress, challenge sa amin kung paano ipo-portray ang role sa paraang mabibigyan namin siya ng justice,” pagwawakas niya.
Happy din si Assunta dahil reunited siya kay Jay Manalo na nakasama niya noon sa “Hubog” kung saan nanalo siya ng best actress award sa 2001 Metro Manila Film Festival.
Bukod kay Jay Manalo, tampok din sa “Higanti” sina Katrina Halili, Meg Imperial, Alwyn Uytingco, DJ Durano, Kiko Matos, Ruby Ruiz, Daniel Pacia, Jon Lucas at marami pang iba.
Mula sa Gitana Films at Viva Films, ang “Higanti” ay kasalukuyang palabas na sa mga piling sinehan.