
Jerrold Tarog’s ‘Bliss’ receives X-rating from MTRCB
Tumanggap ng X ratings mula sa Movie and Television Rating Classification Board (MTRCB) ang pelikula ni Iza Calzado na Bliss, na idinirek ni Jerrold Tarog dahil sa vulgar words at ilang maseselang eksena sa pelikula, na naging dahilan para hindi ito maipalabas sa mga sinehan.

Nalungkot si Iza sa pangyayari, pero magkakaroon daw sila ng meeting with MTRCB at umaasang pagbibigyan ang kanilang apela .
*********************************************************************
Nagkita kami ni Archie Alemania noong dumalaw kami sa taping ng summer special ng Bubble Gang, na ginawa sa Pradera Verde Gold & Country Club sa Lubao Pampanga.

Isa ang aktor sa mga special guest dito. Bale pang-pitong guesting niya na ito sa nasabing gag show ng GMA 7.
Para na ngang hindi siya guest dito kundi regular na. Sabi namin kay Archie, sana ay maging regular mainstay na siya sa Bubble Gang, na yun din daw ang gusto niyang mangyari.
Eversince raw kasi, nung pumasok siya sa showbiz, pangarap niya nang mag-guest sa Bubble Gang kahit isang beses lang. Natutuwa naman siya na nangyari ‘yun.
Pero, siguradong lalong matutuwa si Archie kapag nalaman niya na kukunin na siyang regular sa Bubble Gang. May nakausap kasi kaming taga-Bubble Gang at nasabi niya sa amin na baka raw maging regular na run si Archie.
Magaling naman daw kasi itong magpatawa. Well, sana nga ay mangyari ‘yun.
Kasama ang aktor sa bagong serye ng GMA-7 na D’Originals. Kabituin nya sina Kim Domingo at Meg Imperial.