June 8, 2025
Creating Music: Marion on being passionate as an artist
Latest Articles

Creating Music: Marion on being passionate as an artist

Apr 17, 2017

Umalis ng bansa si Marion Aunor last Friday, April 7, papuntang Los Angeles California para mag-aral ng songwriting.

Pero bago nagtungo ng LA, ay nakausap muna namin siya sa bisperas ng kanyang pag-alis, noong Huwebes, nang bigyan siya ng surprise birthday party ng kanyang mommy Lala at kapatid na si Ashley.

Ininvite nila ang mga tagahanga ni Marion, ang MarionNets at ilang entertainement press na malapit sa magaling na singer, kasama na ang sumulat nito.

Ginanap ang party sa Centerstage, Mall of Asia.  Ang sabi kay Marion ng kanyang mommy Lala ay may presscon siya sa Centerstage.  Pero laking gulat niya nang pagdating niya ay kinantahan siya ng lahat ng birthday song with matching cakes and bouquet of flowers.

“Na-surprise akong sobra. Lahat kayo nag-lie sa akin. Ang galing ninyong mga aktor, lahat kayo. Natuwa ako. Umiyak ako,” sabi ni Marion nang makausap  namin siya sa kanyang surprise birthday party.

Photo from Marion's instagram account
Photo from Marion’s instagram account

Actually, ang talagang birthday ni Marion ay sa April 10 pa. Kaya lang, wala nga siya sa  ‘Pinas sa araw ng  kanyang birthday kaya nag-decide na nga ang kanyang mommy at si Ashley na bigyan siya ng surprise birthday party.

Ipinaliwanag ni Marion kung bakit gusto niyang mag-aral ng songwriting sa ibang bansa.

“Well, gusto kong mag-explore ng songwriting opportunities ko.

“Ngayon kasi nagte-take ako ng songwriting courses doon via online sa Berklee College of Music.

“Doon din po nag-aaral si Gerald Salonga and si Psy, yung kumanta ng Gangnam Style, dun din pala siya nag-aaral.

“And then next week, sinabi kasi ng professor ko, na pumunta ako sa mga songwriting convention para networking na rin.

“And then, ayun mas marami pa akong matutunan for songwriting.

“So that’s what I’m gonna be doing for the next couple of months, going to different songwriting conventions, making connections, networking and all of that.”

Paano ba nagsimula na magkainteres siya na mag-aral ng songwriting sa ibang bansa?

“Actually, ‘yung sister ko kasi, si Ashley, nag-aaral na rin siya sa Berkee before me, online din.

“She’s been taking up Sound Engineering, nakadalawang semesters na yata siya.

“Kasi ako dati ko pa talagang dream school ‘yung Berkee.

“Nung nag-a-Ateneo pa lang ako, gusto ko nang mag-shift doon. Kaya lang ayun tinapos ko nalang muna yung course ko sa Ateneo para in case hindi mag-work out sa music, may fall back din ako na course.”

Hindi pa masabi ni Marion kung hanggang kelan siya magtatagal sa LA.

“Hindi pa ako masyadong sure kung makaka-ilang months ako.

“Depende dun sa mga schedule ng mga pupuntahan kong conventions or kapag sa school kung talagang ipu-pursue ko na dun talaga ako magka-classes or itutuloy ko lang yung online.

“So we’ll see what happen first.”

Paano na ang singing career niya sa Pinas?

“Siyempre maglalabas pa rin ako ng mga single ko rito sabi ni Sir Jonathan Manalo.

” Eversince nag-start ako sa Star Music, talagang tini-take na ako nina Sir Roxy as International singer/songwriter, medyo pressure.

” Parang gusto nila ako yung magbi-break nung barrier na yung Filipino music, mai-share sa ibang bansa, syempre.

“So ayun, laging nasa mind ko na ‘yun eversince.

“And then ngayon lang ako na-encourage dahil nga nung nag-take up na ako nung songwriting natapos ko na ‘yung unang semester ko, yung mga classmate ko kasi lahat Americans, mga Europeans, maganda yung feedback nila sa mga song ko.

“Kasi every week, magsa-submit ka ng mga kanta, eh. Ayun, naging maganda yung feedback, so na-encourage ako na baka  mas  pumatok yung songs ko sa other countries.”

Leave a comment