May 25, 2025
Aiko bags two acting nods from Gawad Tanglaw and Gawad Pasado
Latest Articles This is it!

Aiko bags two acting nods from Gawad Tanglaw and Gawad Pasado

Apr 21, 2017

Bongga si Aiko Melendez, huh!  Back to back win kasi siya.  Sa katatapos lang na Gawad Tanglaw, ay siya ang hinirang dito bilang Best Supporting Actress para sa indie film na Iadya Mo Kami (Deliver Us) mula sa BG Productions, na naging entry last year sa World Premiers Film Festival.

Sa darating naman na Gawad Pasado Awards, na gaganapin sa April 28 sa Henry Sy Hall, Da La Salle Univesrsity, Taft, ay siya rin ang tinanghal dito bilang Pinakapasadong Katuwang Ng Aktres para rin sa nasabing pelikula. Kaya naman masayang-masaya ngayon ang mahusay na aktres sa dalawang magkasunod na award na nakuha niya.  To Aiko, from PSR, our congratulations!

Photo from Aiko's instagram account
Photo from Aiko’s instagram account

Ang “Iadya Mo Kami” ay ipapalabas sa selected SM Cinemas simula April 27 hanggang May 4.

May gagawin ulit na pelikula si Aiko sa BG Productions na makakatambal niya si Polo Ravales titled Balatkayo. Magkakaroon muna ito ng International screening sa Dubai, Singapore at Abu Dhabi bago ito ipalabas sa local theater.

*********************************************************************

Now on screen: Francis Doble’s masterpieces

Mabentang-mabenta sa mga eskwelahan ang mga obra ng aming kaibigang si Direk Francis Doble.

direk-francis-doble

Lagi na lang may kumakausap sa kanya from different schools, para maipalabas dun ang tatlo niyang obra na Padre De Familia, Teen-Age Marriage at Diskarte. Bukod sa may mapupulot kang aral, napapanahon ang istorya ng mga ito, na talagang gugustuhin mong panoorin.

Ang Padre De Familia ay tumatalakay sa kahalagahan ng salitang palabra de honor o paninindigan ng isang indibidual.

Ang Teen Age Marriage, ipiinapakita rito kung paano haharapin ng isang kabataan na maagang nag asawa ang mga responsibilidad sa buhay, advantages at disadvantages na nangyayari sa realidad sa buhay.

Ang Diskarte, kuwento ito ng isang tipikal na binatilyo, kung paano niya malalagpasan ang hirap ng buhay para maabot ang kanyang pangarap at maging matagumpay sa buhay.

Kung gusto niyong mapanood ang mga ito sa inyong mga eskuwelahan, maari kayong tumawag sa mga numerong 09183727992 at hanapin si Direk Francis Doble.

Leave a comment