
Megan Young enjoys Maldives with boyfriend Mikael Daez
Enjoy ang Kapuso actress at 2013 Miss World na si Megan Young sa kanyang brief sojourn sa Maldives kasama ang kanyang boyfriend na si Mikael Daez.
Ayon pa kay Megan, nasa bucket list talaga nila ni Mikhael ang pumunta sa nasabing tourist destination dahil mahilig silang mag-travel together.
“It’s a good place to unwind. We really enjoyed our vacation. May mga nakakilala sa amin. May mga Pinoy din doon. They’re so accommodating and so nice to us. May mga nagpapa-picture, so nakakataba ng puso,” panimula niya.

Katatapos lang ng “Alyas Robin Hood”, ang huling teleserye niya kasama si Dingdong Dantes sa Kapuso network.
Bagamat may mga lumulutang na balitang magkakaroon ng sequel ito dahil sa umano’y bitin na ending nito, wala pa raw siyang nababalitaan tungkol dito.
Ayaw pa ring i-divulge ni Megan ang kanyang mga susunod na proyekto sa GMA-7.
For the meantime, after her reign as the most beautiful woman in the cosmos, Megan is in for another surprise in her career.
The former beauty queen is bound for New York to try her luck in Hollywood.
“Actually, I’m starting from zero. I don’t expect anything. I’m really starting from scratch. Kung meron, meron. Kung wala, at least I tried,” sey niya.
“We have an agency pagdating doon. I’m going for a summer workshop. Mas sanay kasi akong magsalita ng Tagalog o Taglish, so kailangan ko ring i-practice ang sarili ko in English or acting in English.

“Excited ako. Kung hindi ko naman ita-try, hindi ko mararanasan. I’m only 27. I might as well do it now. Bata pa naman ako at hindi pa ako nag-aasawa. Wala pa rin naman akong anak at walang obligasyon sa ibang tao so I might as well try it now and grab the opportunity.
“Ako naman, tulad noong pag-join ko sa Miss World. It’s something na matagal na pinag-isipan. Noon, nagising na lang ako one day na na-realize ko na gusto kong mag-join. It’s something na ‘gut feel’ ang nagsabi sa akin kaya ganoon din ang feeling ko ngayon.
“I don’t think it will be an advantage. At the end of the day, titingnan par rin nila sa profile mo kung sino iyong babagay sa character. Nasa portfolio siya ang agent ko but I think, wala nang ganoong pagdating ng casting. I think it’s better then na matanggap on the merit of your acting and not because you’re a beauty title holder although in some instances, it helps.
“I’m more focused on acting than modelling. I’m not really a model. I like photoshoots but not modelling.
“I want to work where I want to be, pero marami pa rin siyang prosesong pagdaraanan. I’m not speaking long term but let’s see how thing will unfold from here, so, tingnan natin.”