
What Jake Cuenca learns from his accident and how he prepares for new teleserye with Kimerald
Napaka-intense na aktor ni Jake Cuenca dahil naniniwala siya na para maging epektibo ka sa isang role ay kailangang isabuhay mo ito.
Kaya nga napakalaking challenge para sa kanya ang kanyang role bilang Carlos, isang competitive triathlete sa teleseryeng “Ikaw Lang ang Iibigin” ng Dreamscape Entertainment.
Ayon pa kay Jake, bago niya tinanggap ang kanyang papel ay naghanda talaga siya para rito.
“Never kong inatupag ang triathlon. Hindi nga ako marunong lumangoy,” aniya. “Nag-training talaga ako at sumali sa mga sports event bago ako nagsimula para ready na ako,” dugtong niya.
Batid din niya na sa larangang ito, kailangan ang rigorous training ng isang atleta at ang aksidente minsan o pagkakaroon ng injury ay hindi maiiwasan.
“Triathlon ang pinasok ko. Kung ayaw kong masaktan, sana iba na lang pinasok ko,” pakli niya.
Nilinaw naman niya ang balitang kaya siya naaksidente at nabangga kamakailan ay dahil nahuli siyang nagse-selfie habang nagba-bike.
“Nagpo-post naman talaga ako ng selfie pero on that incident, it wasn’t because of that. Nag-stop talaga iyong truck sa harapan ko. In fact, nag-sorry pa iyong driver ng truck. Pinatawad ko na iyong guy and I don’t wanna have a fight. Besides, it was also my fault because I was looking down habang nagba-bike. Accidents naman really happen,” paliwanag niya.
Despite the incident, hindi raw siya nagkaroon ng trauma sa triathlon.
“Actually, I’m racing sa Subic. Then, meron akong duathlon sa May 14 at 19,” lahad niya. “Kahit nabali ang kamay ko, nagtri-training pa rin ako. Iba kasi iyong confidence na nangyayari kapag nagtri-training ka na at nagre-report sa set. Mas nararamdaman mo iyong karakter mo,” pahabol niya.
Gayunpaman, may natutunan naman siya sa nasabing freak accident.
“Always keep your eyes on the road. Kahit pagod na pagod ka, huwag kang titingin sa ibaba, kahit nagdo-doze ka na. So, always be alert and keep your presence of mind,” paliwanag niya. “Actually, after that incident, nagutom ako. It motivated me to be better na hindi ka puwedeng matakot dahil naroon ang thrill in doing such a physical sport,” dagdag niyang paliwanag.
Biggest goal ni Jake ang makarating sa podium.
“Iyong first ko, nasa 20th place ako. Noong second, nasa 7th ako. Noong nag-Iron Man ako, kung hindi lang na-flat, baka na-reach na ng team ko ang podium,” pagtatapos niya.
Happy si Jake dahil reunited siya sa subok na loveteam nina Kim at Gerald sa bago niyang TV show na nakasama na niya sa mga teleseryeng “Sana Maulit Muli” at “Tayong Dalawa” at kay Coleen Garcia na nakasama niya sa “Pasion de Amor.”
Bukod sa Kimerald at kay Coleen, kasama ni Jake sa “Ikaw Lang ang Iibigin” sina Gina Pareno, Bing Loyzaga, Ayen Munji-Laurel, Michael de Mesa, Daniel Fernando, Dante Rivero, Nicco Manalo, Ivan Carapiet, Andrea Brillantes at Grae Fernandez.
Mula sa Dreamscape Entertainment na pinamamahalaan nina Deo Endrinal at Julie Anne Benitez, ang “Ikaw Lang ang Mamahalin” ay mula sa panulat nina Noreen Capili at Anton Pelon at sa direksyon nina Dan Villegas at Onat Diaz.
Ang bagong teleseryeng inyong mamahalin ay mapapanood na simula sa Mayo 1, Lunes hanggang Biyernes, bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN.