
Iza Calzado realizes her character’s dream in “Bliss”
Happy ang magaling at de-kalibreng actress na si Iza Calzado na ang obrang nagpanalo sa kanya ng best performer award o Yakushi Pearl Award sa Osaka International Film Festival sa Japan noong Marso ay mapapanood na ang uncut at uncensored version sa buong bansa simula sa Mayo 10.
Na-X kasi noong una ang “Bliss” pero sa apela ng producers nitong sina Eduardo Rocha, Fernando Ortigas at Vincent Nebrida ng TBA Films ay nabigyan ito ng R-18 rating na approved without cuts on second review.
Kuwento ang “Bliss” ni Jane Ciego na biktima ng pang-aabuso ng mga taong nakapaligid sa kanya kasama na ng kanyang stage mother na ginagampanan ni Shamaine Buencamino.
Isa siyang popular movie star na gustong makilala bilang isang award-winning actress na ang buhay ay nabago at nabalot ng lagim nang maging baldado siya dala ng isang freak accident sa shooting kung saan ang buhay niya ay naging isang bangungot.
Ayon pa kay Iza, kahit nakaranas siya ng difficult childhood, hindi raw niya kuwento ang buhay ni Jane Ciego.
“Iba naman iyong career path niya. I was never an artista when I was young. It’s a totally different story,” pahayag niya.
“My Mom was manic depressive. She was bipolar but my dad naman wasn’t like that. So, wala siyang kinalaman. It’s not necessarily like that kasi, nag-umpisa akong mag-artista when I was 10 or 12 na,” paglilinaw niya.
Naniniwala rin si Iza na bagamat nakakatulong na may pinaghuhugutan ang aktres sa kanyang role, hindi naman ito kailangan sa lahat ng pagkakataon.
Paliwanag pa niya, complex ang character ni Jane na bukod sa nakakapagod ay napakahirap gawin.
“Actually, si Jane Ciego is a super big star. Mas malaki siyang star sa akin. Sa opinyon ko, superstar siya para sa akin. Iba iyong career path niya dahil she must be frustrated because she’s a pretty girl na popular, malaki ang fanbase and yet never pa siyang nakagawa ng film that garnered respect dahil she really wanted to have an acting award,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, kung may common denominator man sila ang kanyang character ay dahil pareho silang artista at pareho ng mundong ginagalawan.
On cloud 9 din si Iza dahil ang pangarap ni Jane (ang karakter niya) ay natupad sa kanya nang manalo siya ng kanyang kauna-unahang international acting award.
“Totoo naman that I’ve never received any international award before. It’s one of my biggest goals in life at nangyari siya in this film. So, ang galing lang na nangyari siya sa akin,” ani Iza.
Bilang actress, marami pang plano si Iza sa kanyang career. Gusto pa niyang gumanap sa iba’t-ibang klaseng roles na hahamon sa kanyang kakayahan bilang isang aktres.
“I’d like to think na I’m not that kind of a normal woman. A lot of women kasi, they want to marry at 30 or settle down or have a baby sa ganoong age. I’m not like that. I’m a bit of an unconventional woman but I like being like that, but I take no apologies for being the woman that I am,” pagwawakas niya.
Tungkol naman sa kanyang lovelife, going strong ang kanyang relationship sa British boyfriend niyang si Ben Wintle.
Although, napag-uusapan, wala pa raw silang konkretong plano sa pagpapakasal.
Bida pa niya, despite sa mga pinagdaanan niya sa kanyang mga ex, nananatili pa rin daw na friends niya ang mga ito.
Hirit nga niya, gusto niyang maging ninang ng anak ng kanyang ex na hotel magnate na si Atticus King.
Kabituin ni Iza sa “Bliss” sina Ian Veneracion, TJ Trinidad, Adrienne Vergara, Michael de Mesa, Shamaine Buencamino, Audie Gemora at Stephanie Sol.
Ito ay mula sa direksyon ng award-winning director na si Jerrold Tarog.