
Jodi plans to go back to school; promotes new film ‘Dear Other Self’
Sa grand presscon ng latest movie ni Jodi Sta. Maria mula sa Star Cinema titled Dear Other Self, sinabi niya na plano niyang bumalik sa pag-aaral.
“That’s something na hindi po nawala sa puso at buy levitra from india isipan ko, yung pagme-medisina. This year, I’m going back to school. I’m very grateful na I was able to find a school na mayroon silang home study program kung saan puwede ko pong ituloy yung pre-med course ko po,” sabi ni Jodi
Patuloy niya, “I graduated from high school 2010. Now, I’m pursuing another course. Hopefully, in two and a half years, matapos ko na siya.”
Kung tutuusin ay kumikita na naman si Jodi sa pag-aartista kaya hindi niya na kailangan pang mag-aral ulit. Besides, sa pagiging busy niya ngayon sa kabi-kabilang project: mapatelebisyon man o pelikula, ay baka hindi niya na mabigyan ng oras ang pag-aaral. Ano nga ba ang nag-motivate sa kanya para maisipang muling mag-aral?
“Partly, I’m being motivated by my being a mother. I really want to put a premium on education because I have a son (Thirdy Lacon), and I want to be able to set a good example for him. I want to lead by example,” aniya pa
Dalawa ang leading man ni Jodi sa Dear Other Self, sina Xian Lim at Joseph Marco na pareho niyang first time na nakatrabaho. Ayon kay Jodi, natutuwa siya kay Joseph dahil lagi itong prepared kapag dumarating sa set.

“It was fun working with him, nakakatuwa because isa siyang tao na talagang sineseryoso niya ‘yung trabaho niya. Nakakatuwa na dumarating talaga siya sa set ng prepared and talagang inaaral niya ang mga eksena niya. And nakakakatuwa sa mga mas nakababatang artista na ganoon ‘yung attitude nila pagdating sa trabaho,” sabi ni Jodi tungkol kay Joseph.
At ang masasabi naman niya kay Xian ay ang pagkakaroon nito ng childlike.
“No, I mean, he’s always in awe of the things that he sees, parang he enjoys his life, he enjoys the world he lives in, he enjoys the moment and ‘yun ‘yung magandang nakikita ko sa kanya. Hindi siya childish pero childlike. There’s a sense of awe and enchantment doon sa mga bagay na ginagawa niya,” pagde-describe ni Jodi kay Xian.
Sa Bangkok, Thailand kinunan ang mahahalagang eksena ng movie at ayon kay Jodi ay isa pa ito sa talagang na-enjoy niya.
“Meron kaming mga scene na shinoot sa Bangkok mismo, tapos may mga area na may Floating Market kaming pinagshooting-an din, tapos masaya ‘yung experience with the elephant, ang cute.
“Nagpaligo kami ng elepante, so it’s a different experience.”
Sa trailer ay may pa-abs si Joseph, kumusta naman ‘yun?
“Wala namang malisya,” sambit ng aktres. “Alam mo ‘yung mga kailangan mong gawin para sa eksena.”
Pero na-appreciate naman niya ang pa-pandesal ni Joseph?
“Hindi ko na-appreciate ‘yung pandesal. Pero ang na-appreciate ko sa kanya is ‘yung process kung paano niya nakuha ‘yung pandesal. Kasi it takes a lot of determination and time to keep your body fit.”
“Pero ang rebelasyon ni Jodi, abangan daw ang tagisan ng abs ng dalawang boys. So, pati pala si Xian ay may pa-abs dito. Pero ayaw nang mag-elaborate pa ni Jodi dahil kailangan daw panoorin na lang.
“Basta ang clue dito, may tagisan, ‘yun lang ‘yun. Hanggang doon lang ang masasabi ko,” safe na sabi ni Jodi.
Ang Dear Other Self ay showing na sa May 17. Mula ito sa direksyon ni Veronica Velasco.