May 22, 2025
Xian Lim reacts on being a second choice in ‘Dear Other Self;’ wants to work with Iza and Sarah
Latest Articles Movies

Xian Lim reacts on being a second choice in ‘Dear Other Self;’ wants to work with Iza and Sarah

May 16, 2017

Isa si Xian Lim sa dalawang leading men ni Jodi Sta. Maria sa pelikulang Dear Other Self mula sa Star Cinema, na showing na bukas, nationwide.

Sa presscon ng naturang pelikula, kinuha ang reaksyon ni Xian sa pagiging second choice niya. Ang unang considered actor para sa role ay si JC de Vera.

“Ah ganun ba? Ngayon ko lang ito nalalaman ha. Totoo, ngayon ko lang ito nalaman. Hindi ko naman alam ‘yung history ng project. All I know noong sinabi nila sa akin is makakatrabaho ko nga si Jodi at si Joseph (Marco). So, sabi ko, ‘Why not? First time,’” gulat na sabi ni Xian

Maituturing ni Xian na isang magical para sa kanya na makatrabaho ang mga artista sa unang pagkakataon.

“I think meron talagang magic sa first time being able to work with someone. And ‘yun ‘yung magic na parang hindi pa kayo familiar sa isa’t isa. So, mas iyon ‘yung nag-stick sa akin,” paliwanag pa niya.

Wala namang problema kay Xian kahit second choice lang siya sa pelikula.

“Wala naman. I think sa lahat naman ng projects maraming kinu-consider din. It’s not just one actor. It’s our job to be flexible.”

Noong nakatrabaho ni Xian si Jodi sa kanilang pelikula na kinunan sa Thailand, puring-puri niya ang aktres.

Photo from Xian Lim's instagram account
Photo from Xian Lim’s instagram account

Sabi niya tungkol kay Jodi, “Si Jodi is the type of person na hindi ko inakalang ganun siya. Kasi the Jodi I watched on TV is parang nakaka-intimidate. Pero nung nakasama ko na siya, ‘yun pala sobrang cool niya, sobrang daldal, sobrang she’s very easy to get along with, ang saya niya kasama.”

May kissing scene ba sila sa pelikula ni Jodi?

“Abangan nila. Actually, hindi ko pa alam kung ano ‘yung mga nasama at hindi masasama sa pelikula. Kasi siyempre baka magsabi ako tapos hindi kasama. So, tignan natin.”

Samantala, after Jodi, ang gusto namang makatrabaho ni Xian ay sina Iza Calzado at Sarah Geronimo.

“Gusto kong gumawa kami ni Iza ng isang suspense-thriller na ang magiging direktor namin ay si Direk Erik Matti.

“Si Sarah naman, gusto ko siyang makasama sa isang rom-com.  Ang galing lang. Sobra kasi akong fan.”

Ang dream role naman si Xian ay gumanap na isang ghost.

“Hindi pa kasi ako nakakagawa ng horror. Ako, mahilig talaga ako sa mga horror film. I think gusto ko maging multo, ‘yung punong-puno ng effects.”

Showing na ang Dear Other Self simula bukas, May 17. Mula ito sa direksyon ni Veronica Velasco.

Leave a comment