
Jessy is lucky to have Lucky
Nagpost si Luis Manzano sa kanyang social media accounts ng picture nila ni Jessy Mendiola sa isang pool kung saan ay hinahalikan nito ang noo ng girlfriend at si Jessy naman ay nakahiga sa kanyang dibdib na nakapikit.
Ang caption ni Luis sa picture nila ni Jessy ay “Hi wuv ko [heart emoji] relaxed?” Ang term of endearment ni Luis kay Jessy na ‘wuv ko’ ay version niya ng ‘love ko’. Ang picture ng dalawa ay kuha sa kanilang recent trip sa Batangas kung saan ay nag-scuba diving sila.
Sa mga nakakita ng larawan nina Luis at Jessy, isa na kami, lahat kami ay natuwa at kinilig. Ramdam na ramdan kasi namin ang kanilang pagmamahalan dahil sa picture nilang ‘yun.
*********************************************************************
Tatlong taon na bilang endorser ng Sun Life si Matteo Guidicelli. Noong Wedneday, ni-launch ang kanyang vlogs para sa latest campaign ng Sunlife na “Make It Mutual.”
Ipinakita ang isang wedding ring sa isa sa kanyang vlogs tungkol sa relationship goals. Kaya naman natanong siya sa presscon ng Sun Life kung plano na ba niyang mag-propose ng kasal sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Natatawang sagot ni Matteo, “Sana nga yung singsing na yun, akin na lang, ‘no! Hindi ko pa alam, e. Actually, alam ko, pero secret na lang. We’ll see. All these life goals are going to be realistic to me. They’re something that I really want and, hopefully, achieve them in the future.”
Noong teenager pa si Matteo, isa sa kanyang goals sa buhay ay ang lumagay sa tahimik kapag umabot na siya sa edad na 27. Ngayon ay 27 na si Matteo, kaya handa na nga ba siyang magpakasal? Pakakasalan niya na ba si Sarah?
“We’ll see! That’s something private that I’d like to keep with me. Siyempre, I want to make a surprise to my partner and make it a surprise for myself. That day will come. And when that day comes, people will know.”