
Dennis Trillo, happy with the evolution of his character in “Mulawin vs. Ravena”
Kahit siya na lang ang na-retain sa major cast ng sequel ng “Mulawin” na “Mulawin at Ravena,” happy si Dennis Trillo na muli siyang lilipad at mailalabas ang matagal niyang itinagong pakpak sa pag-ere ng nasabing fantaserye.
Wala na kasi sina Richard Gutierrez at Angel Locsin na nakasama niya sa original dahil nasa ibang network na ang mga ito.
“Hindi naman sa ipinagmamalaki. Kasi, since Mulawin, marami na rin kaming pinagdaanan nina Chard at Angel, sa journey namin at sa aming mga career,” pambungad niya. “Kung nasa ibang network man sila, nirerespeto ko sila dahil choice nila iyon,” pahabol niya.
Hindi naman itinago ni Dennis ang pagka-miss niya sa dalawa na nakasama niya sa original na fantaserye.
“Bigla kasing nag-flash back sa akin iyong mga ginagawa namin noon. That was 13 years ago. Mga 20s pa lang ako at totoy pa ako noon. Bata pa iyong mga character namin noon. So, kahit papaano, nostalgic siya,” paliwanag niya. “Tapos, kasama na namin ay ibang henerasyon na ng acheterdufrance.com mga kabataan,” dugtong niya.
Kung noon, katriyanggulo siya sa kuwento nina Alwina at Aguiluz sa unang aklat, may kakaibang twist na ito sa sequel.

“Napakaimportante ng role ni Gabriel sa teleserye. Nakakatuwa na nakagawa sila ng kuwento na nakaka-relate pa rin iyong mga viewer ng Mulawin. Proud ako na ang mga director naming sina Direk Dom (Zapata) at Direk Don (Michael Perez) ay mga visionaries. Perfect iyong combination nila para maikuwento nila iyong tungkol sa Mulawin at Ravena na bukod sa may additional characters ay may bago nang twists,” bida niya.
Tulad ng pag-evolve niya bilang artista, may 360 degree turn din daw ang kanyang karakter.
“Dito sa sequel, kasabay din ng evolution ang maturity ng bawat character. Makikita rito kung paano naging Hari ng Halconia si Gabriel at nagkaroon ng anak,” hirit niya.
Hindi naman ikinaila ni Dennis na nakakaramdam siya ng pressure sa muling pagbabalik ng nasabing fantaserye.
“Nakaka-pressure talaga kasi 13 years ago, ang “Mulawin” ay isa sa mga phenomenal shows sa GMA kung saan nag- number one ang Kapuso at naging sunod-sunod ang kanilang mga shows. Naging benchmark din siya ng mga fanstaserye ng GMA. So, it’s a tough act to follow,” ani Dennis.
Clueless naman si Dennis kung magkakaroon ng special participation ang character ni Richard na Aguiluz sa sequel nito.
“Hindi ko pa alam. Hindi ko alam kung magkakaroon. Ang alam ko, namatay na iyong character ni Aguiluz,” pakli niya.
Nabalitaang may special participation sina Angel Locsin at Richard Gutierrez sa “La Luna Sangre” na posibleng itapat sa kanilang programa ng kabilang network, pero hindi nag-aalala rito si Dennis.
“Kami naman nina Chard at Angel, walang kumpetisyon sa amin. Happy kami na nakapagpapasaya kami ng mga tao sa pamamagitan ng mga shows namin. Hindi ko rin alam kung magtatapat nga ang mga programa namin dahil ang nabalitaan ko, special participation sila roon sa show, so walang ganoon,” pagwawakas niya.
Maligaya rin si Dennis dahil mas okey na ang kanilang relasyon ngayon ni Jennylyn Mercado kumpara noon lalo pa’t hindi na sila naiilang na ipakilala ang bawat isa sa mga partido nila.
Nag-enjoy din si Dennis sa bonding moments nila ng biological father ni Jen nang magbakasyon sila sa Korea kamakailan.