May 23, 2025
Maindie Queen Baby Go launches her own magazine ‘BG Showbiz Plus’
Latest Articles

Maindie Queen Baby Go launches her own magazine ‘BG Showbiz Plus’

Jun 6, 2017

Baby Go, ang tinaguriang Reyna ng Indie Films, ay maglulunsad ng kanyang entertainment magazine na BG Showbiz Plus, ang kauna-unahang publication sa bansa na dedicated sa independent film industry.

Kilala sa pagiging mabait at very supportive si Go. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay ang “Child Haus” sa direksyon ni Louie Ignacio na kinabibilangan nina Katrina Halili, Leni Santos, Christopher Roxas, Ina Feleo, Tabs Sumulong, Miggs Cuaderno, at Felixia Dizon. Ito ay tungkol sa mga batang may cancer. Nanalo sa kategoryang Best Children Film ang “Child Haus” sa 14th Dhaka International Film Festival.

Ang “Iadya Mo Kami” ay tungkol sa buhay ng isang pari na nagkaroon ng anak. Nagwagi ito sa Silk Road Festival sa Ireland, para sa kategoryang Best Actor Award para kay Allen Dizon.

Ilan lamang yan sa mga gawad parangal na natanggap ni Go. Hindi lamang sa Pilipinas kilala ang mga pelikula, kundi pati na rin sa mga festival all over the world.

Hindi dito natatapos ang kanyang galing. Nagsisilbing inspirasyon kay Go ang tagumpay ng indie films.

18985344_10210823762724726_1915986455_n

Patuloy siyang gagawa ng mga pelikulang sumasalamin sa mga problema ng lipunan, tulad ng “Area” na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas. Ang pelikula ay tungkol sa prostitusyon.

Magmula ng gumawa ng mga pelikula si Go, sandamakmak na parangal na ang nakuha nito mula sa mga prestihiyosong award-giving body sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Noong Abril 25, tumanggap si Go ng tatlong special awards sa 15th Gawad Tanglaw.

Tumanggap siya ng Presidential Jury Award for Best Film para sa pelikulang “Area,” Presidential Jury Award – Student’s Choice Award for Best Film, para sa “Laut,” at Presidential Jury Prize for Best Children’s Film, “Child Haus.”

Nito namang Abril 25, pinarangalan si Go para sa kanyang pelikulang “Iadya Mo Kami” bilang isa sa “Pinakapasadong Pelikula ng Taon” sa 19th Gawad Pasado (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro).

Iba pang nakuhang parangal ni Go sa 19th Gawad Pasado ay para kay Allen Dizon, Pinakapasadong Aktor; Aiko Melendez, Pinakapasadong Katuwang na Aktres; at Mycko David, Pinakapasadong Sinematograpiya.

Noong Mayo 6, ang pelikula ni Go na “Area” ay nag-uwi ng tatlong parangal mula sa 2017 ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) na ginanap sa Kuching Ampitheater sa Sarawak, Malaysia.

Nagwagi ang “Area” ng Best Actress para kay Ai-Ai delas Alas at Best Director, Louie Ignacio; at Best Supporting Actress, Ana Capri, “Laut.”

Leave a comment