May 24, 2025
Xian to hit stage with ‘Songs in the key of X’
Latest Articles

Xian to hit stage with ‘Songs in the key of X’

Jun 20, 2017

Magkakaroon ng concert si Xian Lim sa July 15 na gaganapin sa The Theater At Solaire billed as “Songs In The Key of X.”

Produced ito ng grupo ng mga tagahanga nila ni Kim Chiu na KimXian Around The Globe, Inc. (KATG).

Sobra talaga ang ipinapakitang pagmamahal at suporta ng KATG kay Xian. Nagawa pa nilang ipag-produce ng concert ang binata. At hindi ito ang first time na pinag-produce nila ng concert si Xian. Noong 2015 ay nag-produce rin sila ng concert para kina Xian at Kim na kasama ng mga ito ang loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil. At sa New York pa ginanap ang concert.

Sinisigurado ni Xian na mag-i-enjoy ang mga manonood ng kanyang concert.

fb_img_1497927408012
Xian Lim with PSR writer Rommel Placente

“Pinag-isipan ito from last year pa. Kumbaga, pingpong kami ng ideas. Never-ending brain storm. Para sa kanila talaga ito, sa lahat ng mga manonood. Bubusugin namin ang mga tenga nila.”

Ipinaliwanag ni Xian kung bakit “Songs In The Key of X” ang title ng kanyang concert.

“It’s more of my personal journey in life. At yung X kasi is the first letter of my name.”

Hindi man bahagi ng concert ni Xian si Kim ngayong taong ito, ay makikita pa rin ito. Manonood kasi si Kim ng concert.

“She will be coming to our concert along with her friends. She will be watching.”

So kung manonood ng kanyang concert si Kim, ibig lang sabihin nito na hindi totoo ang rumors na nagkakalabuan na sila?

“Well, rumors are rumors, di ba? Kung ano man siya, then let it be?”

Wala pa mang inaamin sina Xian at Kim na may relasyon na sila, pero bakit may mga lumalabas nga na balita na hiwalay na sila?

“I don’t really have anything to say kasi I don’t really entertain those kind of vibe. Wala naman kasing patutunguhan yung mga ganyang unwanted comments.”

To clear the issue, ano ba talaga ang status ng relasyon nila ni Kim?

“It’s still the same. ‘Yun pa rin,” sagot ni Xian.

Na mahal pa rin niya si Kim katulad ng pagmamahal niya rito dati?

“It’s still the same. Kung ano man ‘yung mga pinagsasabi ng mga tao, then let it be. That’s their belief, and I’m okay.”

Samantala, nagpaliwanag si Xian tungkol sa ginawa niyang pagpaalam sa kanyang social media accounts sa loob ng isang linggo ngunit ngayon ay active na ulit siya.

“Nag-sinked in kasi noong day na ‘yun, when I said goodbye for now sa social media, na there’s so many deadlines sa project. I was doing and still doing a film with Coleen (Garcia), then preparation for this concert, then the album I just finished a couple of days ago. Then the day after July 15, I have a solo exhibition for painting. That’s July 16 naman po sa Greenhills so sabi ko, tatapusin ko muna ang mga ito saka ako babalik sa social media.”

Sina Jona, KZ Tandigan at Matteo Guidicelli ang special guests ni Xian sa kanyang “Songs In The Key of X” concert. Mula ito sa musical direction ni Chino David at si Alco Guerreto ang over-all director.

Leave a comment