May 24, 2025
Vilma Santos wins Best Actress at The 1st Eddys Entertainment Editors’ Awards
Latest Articles This is it!

Vilma Santos wins Best Actress at The 1st Eddys Entertainment Editors’ Awards

Jul 10, 2017

Sa kauna-unahang The Eddys Entertainment Editors’ Awards, na binubuo ng entertainment editors from different tabloids and broadsheets, na ginanap sa Kia Theater noong Sunday, ay si Congresswoman Vilma Santos ang tinanghal bilang Best Actress para sa mahusay niyang pagganap bilang powerful lady at mommy ni Xian Lim sa pelikulang Everything About Her.

Sayang nga lang at hindi personal na natanggap ni Ate Vi ang kanyang trophy. Nasa America kasi ito ngayon. Ang tumanggap ng award niya ay ang panganay na anak na si Luis Manzano, na host ng gabing ‘yun, kasama ang kanyang amang si Edu Manzano.

Kung present sana sa okasyon si Ate Vi, ang gandang tingnan na magkakasama silang pamilya sa stage, di ba?

Mukhang taon ngayon ni Ate Vi sa pagtanggap ng Best Actress trophy, huh!

Bago kasi ang Eddys Awards, ay siya rin ang hinirang na Best Actress sa GAWAD Tanglaw, PASADO Awards at sa iba pang award giving bodies.

Talagang hindi tumitigil ang pagdating ng acting awards kay Ate Vi, huh! To Ate Vi, our congratulations!

Si Paolo Ballesteros naman para sa role niya bilang isang transgender sa pelikulang Die Beautiful, ang tinanghal na Best Actor sa Eddys Awards.

Si John Lloyd Cruz naman ang nanalo bilang Best Supporting Actor para sa Ang Babaeng Humayo na pinagbidahan ni Ms. Charo Santos. Gumanap si JL bilang isang bading.

At si Angel Locsin ang Best Supporting Actress para rin sa Everything About Her.

 Our congratulations din kina Paolo, Lloydie at Angel sa pagkapanalo nila sa Eddys Awards at sa lahat ng bumubuo nito dahil naging matagumpay ang unang taon ng pagbibigay nila ng awards.

************************************************************************

Nagpa-drug test si Baron Geisler noong July 6 at negative ang resulta nito, na ang ibig sabihin ay hindi gumagamit ng droga ang aktor.

Photo from Baron's instagram account
Photo from Baron’s instagram account

Pinost ni Baron ang resulta nito sa kanyang Instagram account. At ang caption dito ng aktor ay, “Mukha lang akong goons, pero malinis ito.”

Sa kabikabila kasi ng iskandalong kinasangkutan ni Baron, marami tuloy ang nag-iisip na gumagamit siya ng droga.

Pero yun nga, negative sa drug test si Baron. Alcoholic nga lang siya siguro at hindi drug addict, di ba?

Leave a comment