
John Lloyd on Sarah’s acting ability: I was totally blown away
After four years, balik-tambalan sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa isa na namang romantic comedy film na Finally Found Someone mula sa Star Cinema at sa direksyon ni Theodore Boborol.
Una silang nagsama sa pelikulang A Very Special Love, na sinundan ng You Changed My Life, at ang huli ay It Takes A Man And A Woman na ipinalabas noong 2013.
Marami nang babae na naugnay kay Lloydie (palayaw ni John Lloyd), how would he know that he finally found someone?
“I don’t think you’ll know, eh. Parang when it hits you, ‘yun na ‘yun, eh,” sagot ni Lloydie
Dagdag niya, “Alam ninyo, sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano. Dito sa pelikulang ito, andami talagang sumampal sa aking mga realization.
“Ako po siguro, umaasa na lang na, one day, ‘yun na ‘yun. One day po, hindi pa tayo nawawalan ng pag-asa.”
Dahil umabot ng apat na taon bago sila muling nagkatrabaho ni Sarah, nagkaroon na ba ng ilangan o kapaan sa unang araw ng shooting nila?
“Hindi lang first day ng shooting, parang kalahati na yata (ng shooting ng pelikula). It’s always awkward ‘pag si Sarah nandyan.”
Halos lahat rom-com ang ginagawang pelikula nila ni Sarah. Hindi ba nila napapag-usapan na gumawa naman ng pelikula na straight drama, na mas maipapakita nila ang husay nila sa pagganap?
“That would be very interesting. Yun nga, sabayan natin yung growth nung tandem. Pero parang hindi pa siguro handa, hindi lang yung audience, siguro kami rin, our respective brands, siguro hindi pa handa for that material.
“But you know, sobra naming iko-consider yan. Kapag ramdam mo na, kapag nandun na. If it’s time, it’s time. So baka dun mangyari. But for now, ayaw naming ipilit.”
All praises si John Lloyd kay Sarah simula nung una silang magkatrabaho sa pelikula. Kaya naman, hindi siya nag-atubili nung makatanggap ng offer para gumawa ulit ng pelikula kasama ang singer-actress.
“I love working with Sarah. I love our films together. I love the process kahit na medyo mahirap akong katrabaho. I always look forward to working with her.
Sa muli niyang pakikipagtrabaho kay Sarah, na-surprise si Lloydie dahil napansin niyang mas lalong humusay sa pag-arte ang Pop Star Royalty.
“I was totally blown away. Ano kasi siya, medyo may pagka-self-depreciating si Sarah, eh.
“Hindi niya alam na maganda siya, hindi niya alam na magaling siyang umarte. Parang ayaw niyang maniwala, which I think is actually amusing. It adds more beauty to her personality.
“There was one scene talaga na I was totally blown away. Siguro, for that scene alone, kailangan ninyong mapanood itong pelikulang ito. And take one lang ‘yun.”