May 24, 2025
Isabel Granada enters Bea Alonzo’s life in ‘A Love To Last’
Latest Articles This is it!

Isabel Granada enters Bea Alonzo’s life in ‘A Love To Last’

Jul 15, 2017

Bahagi na ang singer/actress na si Isabel Granada sa top rating drama series ng ABS-CBN 2 na A Love To Last na pinagbibidahan nina Ian Veneracion at Bea Alonzo.

Gumaganap siya rito bilang si Kris, na former high school classmate ni Ian. Siya ang kontrabida kay Bea.

Hindi na bago kay Isabel ang kontrabida role dahil ilang beses na rin siyang gumanap na kontrabida noon sa mga serye.

At effective siya bilang kontrabida, huh!

Okay lang naman kay Isabel kung puro ganun ang role na ibigay sa kanya ngayon. Para sa kanya, challenging ang ganitong klase ng role.

Napanood namin ang serye. And in fairness kay Isabel, kahit mas may edad siya kay Bea ay hindi nagkakalayo ang hitsura nila.

‘Pag nagkakasama sila sa eksena, para lang silang magkasing-edad, sa totoo lang.

Hanggang ngayon ay napanatili pa rin ni Isabel ang angking kagandahan at kaseksihan. Slim pa rin siya, huh!

Leave a comment