May 23, 2025
OMB appoints Rommel Montano as new director
Latest Articles

OMB appoints Rommel Montano as new director

Jul 17, 2017

Nanumpa na nga si Rommel Montano para sa posisyon niya bilang bagong board of Director ng Optical Media Board (OMB).

Ang pangarap niyang maglingkod ay natupad na kaya naman mas lalong mapapaigi ang naturang agency dahil nga handang sumuporta at magtrabaho itong si Rommel.

Kung kakayahan din naman at dedikasyon ay nararapat naman siya dahil nga nasa puso naman ng Montano ang pelikulang Pilipino.

So, karapat-dapat lang si Rommel na maging bahagi ng OMB.

At kung sana lang ay puwede naman siyang maging Chairman. Bakit naman hindi?

************************************************************************

Kamuntik na palang hindi nagtuluy- tuloy ang career nitong si female young star dahil mukhang nagbunga ang mainit na relasyon ng kanyang boyfriend.

Nagdesisyon ang magulang ni aktres na ipatanggal ang bata kung kaya’t nakikita pa rin natin siya ngayon at aktibo.

Sayang nga naman kung ang plano sa kanya ng kanyang manager ay sa wala mapupunta.

O, knows n’yo na ba siya?

************************************************************************

Si Joyce Pilarsky ang pambato ng Mrs. South Asia 2017 para sa Mrs Universe 2017 kaya naman inihahanda na niya ang sarili sa prestigious pageant dahil nga 84 candidates ang kanyang makakalaban.

12973232_10206665931663473_8224227439615901422_o

Very confident naman si Joyce dahil siya ay model, international designer, book author, singer, doctor etc.

Alam niya kung ano ang kanyang pinasukan.

Kaya naman, good luck Joyce!

Leave a comment