May 24, 2025
Ogie Alcasid pays tribute to OPM through new album ‘Nakakalokal’
Latest Articles Rodelistic

Ogie Alcasid pays tribute to OPM through new album ‘Nakakalokal’

Jul 20, 2017

Siguradong marami na naman ang mabibighani at mai-inlab sa pinakabagong album ni Ogie Alcasid mula sa Star Music kung saan ay napaka-espesyal nito dahil may kolaborasyon siya sa ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

“Mas maganda ang tunog ng isang kanta kapag kasama ang orchestra kasi maraming hindi nagagawa ang makina o ang software na nagagawa ng orchestra. Pangarap ko talagang makatrabaho ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra at blessing na pumayag sila,” kwento ni Ogie.

“Nakakalokal” ang pangalan ng album na masasabing tribute at pagbibigay halaga na rin sa mga awiting sariling atin. Kilala ang beteranong mang-aawit sa malasakit niya sa Original Pilipino Music o OPM kaya naman ginawa ang album para sa lalo pang ikatataas ng kalidad ng musikang pinoy.

“Kapag narinig mo siya, maiintindihan mo na ‘ah eto pala ‘yung album ni Ogie.’ Parang binibida niya ‘yung musikang Pinoy,” dagdag niya.

Siyempre pa, siguradong swak din ang album sa mga mahihilig sa senti at hugot music. Sabi nga niya, malapit sa puso niya ang mga kanta na nasa album dahil karamihan dito ay sinulat niya na nangyari sa kaniyang buhay.

Isa sa mga paborito namin na kanta sa album ay ang “Di Na Muli” na talaga namang habang pinapakinggan namin ay nakakaramdam kami ng kurot sa aming puso.

Of course, ang kanta ring “Nakakalokal” na katunog ng Kayganda ng Ating Musika ni Haji Alejandro at Salamat, Salamat Musika ni Nanette Inventor.

Gusto rin namin ang medley kasama ang kanyang maybahay, ang OPM icon at Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na kinanta nila ang mga classic hit na “Kailangan Ko’y Ikaw,” “Pangako” at “Hanggang Ngayon.”

Nasa album din ang mga kantang sinulat niya na tumatak sa madla gaya ng “Kailangan Kita” na theme song ng pelikula mula sa Star Cinema na pinagbidahan nina Claudine Barretto at Aga Muhlach; “Ikaw ang Aking Pangarap” mula sa tinangkilik na ABS-CBN teleserye na “Lobo” na pinangunahan nina Angel Locsin at Piolo Pascual; at ang “Ikaw Lamang,” ang theme song naman ng pelikulang “Dubai” ng Star Cinema kasama sina John Lloyd, Claudine at Aga.

Sa ganda, pulido at kuwalidad na pagkakagawa ng “Nakakalokal” na album ay siguradong tatangkilikin ito ng music lovers gaya ng pagsuporta sa mga nauna nang napaka-successful na album ng batikang mang-aawit.

ogiealcasid_20_7_2017_16_51_40_57

Inirerekomenda namin na ito ay inyong bilhin dahil hinding-hindi kayo magsisisi. Nasa paboritong record bars at puwede nang ma-download sa Spotify, Amazon at i-tunes.

Leave a comment