
Polo Ravales marks his role in ‘La Luna Sangre;’ Producer Baby Go shows interest in joining MMFF next year
Tuwang-tuwa ang lady producer na si Baby Go dahil ganap na siyang miyembro ng Rotary Club. Kabilang siya sa mga nanumpa kamakailan sa One Shangrila Place sa Mandaluyong kasama ang nasa ibat-ibang larangan at sektor ng industriya.
Kinakatawan niya ang entertainment industry. Sa Rotary Club of Greater Mandaluyong ang kinabibilangan niya at nangangako ang lady producer na bilang miyembro ng club ay lalo pa siyang makakatulong sa mga nangangailangan.
“Ito naman talaga ang gusto ko kaya ako nagpursige na maging miyembro ng club. Isa kasi sa mga itinataguyod nila ay ang makatulong sa kapwa,” bungad niya.
“Gustung-gusto ko ang nakakatulong kaya nga ako may mga foundation para sa mga nangangailangan. Itong Rotary alam ko na karagdagan ito para maging kasama ko sa aking mga proyekto para sa kapwa natin.”
Siyangapala, idiniin ni Ms. Baby na hindi na siya sasali sa Metro Manila Film Festival this year dahil ayaw daw niyang makigulo pa sa nangyayari sa MMFF ngayon pero sinabi niya na next year ay paghahandaan niya ito. May niluluto siyang malaking proyekto na swak na swak daw sa nasabing film festival.
************************************************************************
Happy kami sa itinatakbo ngayon ng career ni Polo Ravales. Visible siya ngayon sa TV sa pamamagitan ng La Luna Sangre ng Kapamilya network.
Markado ang kaniyang role sa palabas bilang tumatayong leader ng mga Luna na kumakalaban sa mga masasamang bampira ng nangungunang teleserye ng Dos.
Kahit sabihin mang supporting roles lang ang ginagampanan niya ngayon ay masasabing umaangat naman ang kaniyang partisipasyon sa bawat ginagawa niya. Paano naman kasi, mahusay naman siyang aktor. Pruweba rito ang maraming nominasyon na nakuha niya sa ibat-ibang award giving bodies.
Bukod sa pagiging abala niya sa TV, may natapos ding pelikula ang aktor at ito ay ang “Balatkayo” ng BG Productions International. Base sa mga nakapanood na ng pelikula, nagpaka-daring daw dito si Polo lalo na sa sizzling scene niya with Nathalie Hart.
Ang pelikula ay sumasalamin sa buhay at pakikipagsapalaran ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa.
Puring-puri ni Direk Neal Tan ang kaniyang mga artistang gumanap sa kaniyang bagong obra lalo na sina Aiko, Nathalie at syempre si Polo.
So far, ito yata ang isa sa pinakamagastos at maipagmamalaking pelikula ni Neal Tan na gumawa ng mga di malilimutang pelikula tulad ng “Ataul for Rent” at “Tarima.”
Going back to Polo, sana nga ay magtuluy-tuloy na ang magandang takbo ng kaniyang career dahil hindi naman siya tulad ng ibang artista na kinukuha lang dahil sa palakasan para magkaproyekto. Si Polo kasi can act talaga at hindi mapapahiya ang sinumang kukuha ng kaniyang serbisyo. Hindi ba naman Jemuel Salterio?