
Lord of Scents Joel Cruz to hold a fund-raising show ‘Awit sa Marawi’
Dahil nga sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi kaya naisipan ng may ari ng Aficionado na si Joel Cruz na magkaroon ng fund raising show para dito. Isang concert na may titulong “Awit Sa Marawi.”
Biglaan lang ang project na ito dahil nga ilang araw lang pinag- isipan at ang mga performer ay mga AFP at PNP singing soldiers.
“Mahuhusay sila kaya naman hindi nakakahiyang sila ang performers sa concert. Di mo sukat na mga sundalo. Magagaling silang singers.
“Associated ako sa mga pulis at sundalo kaya nung lumapit sila, ‘di na ako nagdalawang isip para ituloy ang project, mga kaibigan ko sila,” sey niya.
Lahat ng mga taong dapat makatulong sa said project ay nilapitan at kinalampag na ni Joel.
Kung susumahin kasi ang buong tiket kapag nabenta ay aabot sa 3.5 million.
“Nakakatuwa naman dahil maraming willing bumili ng tickets,” saad pa niya.
May mga guest ba sa fund raising concert?
“Inaayos ko pa. Pero di ko pa alam kung sino, kausapin ko pa si Gary Valenciano. Di ko na ilalagay ang name niya sa poster,” sagot pa ni Joel.
Kasama ang sundalong singer na si Mell Sorellano at ang Charity Diva na si Token Lizares.
Again, “Awit Sa Marawi” ngayong August 13, 6 PM sa AFP Theater Camp Aguinaldo, Quezon City.
Tickets range 1k to 5k.