May 22, 2025
Angel Locsin on real score with film producer Neil Arce: Tina-try namin ‘yung parang kayo, pero ‘di kayo
Latest Articles This is it!

Angel Locsin on real score with film producer Neil Arce: Tina-try namin ‘yung parang kayo, pero ‘di kayo

Sep 10, 2017

Matagal nang nali-link sina Angel Locsin at film producer Neil Arce. Pero sa tuwing tinatanong kung may something na sa kanilang dalawa, ang lagi nilang sagot ay magkaibigan lang sila.

Sa recent interview ni Angel, inamin niya nang in-love at nagsasabihan na sila ng ‘I love you’ sa isa’t-isa ni Neil. Pero hindi pa raw niya masasabi na sila na nga o may relasyon na sila ng producer.

Ang paliwanag ni Angel tungkol dito:

“Tina-try namin ‘yung parang kayo, pero hindi kayo, ‘yung ganun. Magulo ba? Ako rin naguguluhan, e. Hindi ko rin ma-explain, e. Pero parang ganun. Pag lumalabas kami, hindi naman kami nagtatago. Siguro ‘yung label na lang ang kulang. Pero hindi naman kami nagdi-date ng iba.”

Kung ganyang exclusively dating sina Angel at Neil at nagsasabihan na sila ng ‘I love you,’ ibig lang sabihin nun na sila na, di ba?

Siguro si Neil, hindi niya pa tinatanong si Angel kung sila na ba, kaya ayaw lagyan ng label ni Angel ang anumang relasyong meron silang dalawa.

Photo from Angel's instagram account
Photo from Angel’s instagram account

Pinag-usapan naman sa social media ang kanyang muling pagbabalik sa seryeng ‘La Luna Sangre.’

**********************

Ongoing hanggang September 16 ang registration para sa search for Jeanette Hankinson Calendar Girl 2018.

Ang  Jeanette Hankinson ay isang apparel para sa mga batang babae.  Ito ay nabibili sa lahat ng branches ng Starmall, Clothers Asia of Fishermall, Gaisano Mall,  Big K Department Store in Mandaue City, Bohol Quality Mall in Tagbilaran Bohol at Sta. Lucia East Department Store in Cainta.

Ang contest ay open to all little girls ages 4-12. Para makasali, dapat ay bumili ang mga nanay ng batang babae ng Jeanette Hankinson worth 1,000 then magpa-register sila sa mall na binilhan nila at magpadala ng tatlong picture ng kanilang mga anak wearing Jeanette Hanksinson.

Ang elimination round ay gaganapin sa Icon Hotel sa Timog sa September 24.

Sa mga ipinadalang pictures ng mga batang babae, dun mamimili kung sino ang qualified para pumasok sa Grand Coronation Day na gaganapin sa October 7 sa IL Centro Activity Center, Sta. Lucia Mall.

Ang mga magiging basehan ng winners ay pagalingan sa pagrampa at pagandahan ng pagdala ng Jeanette Hankinson.

Siyempre ang mga mananalo ay ipi-feature sa 2018 calendars ng Jeanette Hankinson. Ang CEO ng Jeanette Hankinson ay si Ms. Amy Corpuz.

Amy Corpuz, CEO
Amy Corpuz, CEO

Ayon sa kanya, plano nilang kuning model ng Jeanette Hankinson si Kendra Kramer, na anak nina Cheska Garcia at Doug Kramer dahil sa kanyang pagiging cute at fashionable.

 

 

Leave a comment