May 24, 2025
Devon Seron admits attraction to co stars Jin-Ju-Hyung and Hyun Woo
Latest Articles

Devon Seron admits attraction to co stars Jin-Ju-Hyung and Hyun Woo

Sep 23, 2017

May international movie na nagawa si Devon Seron. Ito ang You With Me kasama ang dalawang Korean actors na sina Jin-Ju-Hyung at Hyun Woo.

Ayon sa dalaga, during their shooting ay sobrang maasikaso sa kanya ang dalawa niyang kapareha sa nasabing pelikula.

Pero ayaw niyang mag-assume ng kung anu-ano pa kahit pa may usap-usapan na tila may kahulugan ang pinapakitang kabaitan ng mga ito sa kanya. Love at first sight nga raw ang isa sa kanila at ‘yung isa naman ay unti-unti na ring nagkakagusto kay Devon.

“Ako po, sa tagal ko na rin sa showbiz, hindi po talaga ako ma-assume. Natatakot din ako, so kung mayroon ngang ganun, sana masabi sa akin ng direkta,” sabi ni Devon.

Patuloy niya, “Kasi sa sobra po nilang maalaga, parang yung kinalakihan po nila ganun. Parang kung iisipin mo, mag-a-assume ka talaga, pero hindi po talaga. Ganun po talaga ‘yung kinaugalian nila. Sa ngayon po, getting to know each other muna kaming tatlo.”

img_20170923_091139

Aminado naman si Devon na na-attract siya sa kanyang dalawang leading men.

“Ay, siyempre, napakasuwerte kung sino man ‘yung magiging girlfriend o mapapangasawa ng mga taong ito.”

Anong qualities ang nagustuhan ni Devon sa dalawang leading men niya?

“Si Ju-Hyung po, nakakausap ko siya ng seryosohan. Nakakapag-communicate kami nang maayos, nag-i-English po siya. Nakakapag-open up ako sa kanya ng mga personal problem, siyempre siya rin sa akin.

“Si Hyun Woo naman po, masayahin po siyang tao, joker din. Maalaga rin po siya katulad ni Ju-Hyung.”

So, may advantage si Ju-Hyung dahil marunong itong mag-English?

“To be honest, opo, kasi iba talaga yung nakakapag-usap kayo. Pero silang dalawa, may mga advantage talaga sila na hinahanap ng mga babae. Iniisip ko na sana nag-join na lang silang dalawa sa isang katawan, parang ganun.”

May love triangle ang mga karakter na ginagampanan nilang tatlo sa You With Me. Mauuwi kaya ito sa totoong buhay?

“Hindi ko alam,” sagot ni Devon,

img_20170923_091106

“Siguro ‘yung chemistry naming tatlo talagang nabuo nung magkakasama kami. Yung friendship namin nandoon talaga. Kapag magkakasama kami, nagbibiruan kaming tatlo.”

Leave a comment