
Luis maintains good relationship with entertainment press; PLUS: Star Awards for Movies is airing tomorrow, ABS-CBN’s Sunday’s Best
Pagdating talaga sa pakikisama at pakikitungo sa press ay masasabing champion itong si Luis Manzano.
Magiliw siyang makitungo sa mga entertainment media kahit saang club pa ang mga ito o samahan.
Pruweba ang palaging may ngiti at pagiging approachable niya kapag may nakakasalubong o may nami-meet siyang mga showbiz reporter at writer.
Marunong din siyang magpasalamat kapag may naisulat ka sa kaniya. Tama lang na ginawaran siya ng PMPC ng award na Darling of the Press.
Sobra ngang ikinatuwa ng binata ang naturang award dahil tulad ng kaniyang mga magulang na sina Edu Manzano at Vilma Santos ay napatunayan niyang mahal na mahal din siya ng showbiz press.
Kamakailan ay nakausap namin sa isang tsikahan si Luis na inorganisa ng Shakeys at maraming ibinahagi ang binata sa amin. Kabilang na rito ang hindi niya pagdalo sa kasal ng kaniyang best friend na si Billy Crawford at Coleen Garcia.
Aniya, may commitment siya sa takdang araw ng kasal ng kaniyang kaibigan. Siyempre pa, may kinalaman ito sa kaniyang trabaho.
May napirmahan kasing kontrata ang magaling na tv host na dapat niyang gawin or else madedemanda siya kapag hindi niya ito sinipot. Of course, nanghihinayang siya pero nag-usap na raw sila ni Billy at nagkaintindihan na sila.
Isa pa sa mga ibinahagi ng actor-tv host ay ang sobrang saya niya sa pagho-host ng bagong show ng Kapamilya Network na I Can See Your Voice na talaga namang nakakaaliw at napaka-kuwelang show.
Of course, ipinag-iimbita ito ng tv host dahil mismong siya ay sobrang nag-eenjoy sa kaniyang bagong programa na mapapanood tuwing Sabado at Linggo , 9:30pm.
Umere na ng dalawang beses ito at naging maganda ang feedback kung saan sina Gary Valenciano at Ogie Alcasid ang mga nauna nang naging guest.
************
33rd PMPC Star Awards For Movies set to air on ABS-CBN
MAPAPANOOD na bukas sa ABS-CBN Sunday’s Best, September 24, 2017, ang 33rd PMPC Star Awards For Movies!
Tunghayan ang pagsasama sa entablado ng dalawang reyna ng pelikulang Pilipino na sina Superstar Nora Aunor at Star For All Seasons Vilma Santos sa dalawang karangalang kanilang natanggap — Ginintuang Bituin Ng Pelikulang Pilpino at kapwa nagwagi sa Best Actress award.
Hosts ng show sina Robi Domingo, Alex Gonzaga, Aljur Abrenica at Daniel Matsunaga; opening number sina Christian Bautista at Isay Alvarez; sing and dance naman sina Sam Concepcion, Edgar Allan Guzman at Darren Espanto; at dance number ang handog nina Ciara Sotto, Jon Lucas, Maris Racal, Sofia Andres, Grae Fernandez at Zeus Collins.
Mula sa pamunuan ng pangulong Fernan de Guzman, mga opisyal at miyembro, ang 33rd PMPC Star Awards For Movies ay sa produksyon ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino at sa direksyon ni Bert de Leon.