
What to expect from Gerardo Calagui’s transgender film
Si Gerardo Calagui ang direktor ng transgender film na Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko na pinagbibidahan ng model/actor na si Rocky Salumbides bilang Barbie.
Ang pelikula ay tungkol mga magkakaibigang transgender na rumarampa sa red light district ng Burgos Avene sa Makati bilang mga cross-dressing prostitutes.
Ayon kay Direk Gerardo, nag-audition daw sa pelikula si Rocky. At dahil mahusay daw ito sa audition at bagay daw dito ang role na Barbie, kaya ito raw ang pinili niya. During the shooting ng pelikula, mas lalong nagpakitang-gilas daw sa pag-arte si Rocky. Satisfied daw siya sa pagganap nito bilang isang transgender.
“Yes, I was very satisfied with his performance. I was actually awed na nakatingin lamang ako sa monitor. Merong expression sa mata si Rocky na hindi ko ma-describe,”sabi ni Direk Gerardo tungkol kay Rocky nang makausap namin siya sa presscon ng Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko.
Kasama rin sa pelikula si Mon Confiado bilang isang bugaw at ang dalawang straight guy na indie actor na sina Matt Daclan at Anthony Falcon na gumaganap din dito bilang mga transgender.
Originally, balak ni Direk Gerardo na mga totoong transgender ang gawing bida sa Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko pero di raw ito natuloy.
Paliwanag niya, “Ang intended talaga na actors para rito noong nag-uumpisa kami ay mga tunay na LGBT, mga transgender people. Pero hindi siya naging posible dahil ang dahilan sa akin nung mga ininterbyu namin at nakasama sa research, baka raw kasi ma-jeopardize yung trabaho nila sa Burgos, kasi maa-identified sila. Siyempre, irerespeto natin yon.”
Maipagmamalaki ni Direk Gerardo na ginawa nila ang pelikula na hindi sila bumase sa script, na ang lahat ng mga nagsiganap dito, ang mga dialogue nila, ay sila na lang mismo ang gumawa at kusang lumabas sa kanilang mga bibig.
“I have a script but I didn’t give them a copy. I just describe the scenario to my actors, kung anong sitwasyon. What is important is for them to get into their characters, then they improvise. Surprisingly, it came out very well, very real, spontaneous and very original. Naisip ko nga, for my next film, ganun uli ang gagawin ko.”
Ang Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko ay ita-translate sa english bilang Those Long Haired Nights kapag ipapalabas na ito sa international film festival.
Sa October 12 ay nasa Busan International Filmfest ito para sa Asian Window section. Kasali rin ito sa Hawaii International Filmfest, Thessaloniki Filmfest (Greece), Brisbane Filmfest (Australia), Taipei Golden Horse Filmfest (Taiwan), San Diego Asian Filmfest (USA) at sa local filmfest na QCinema International Filmfest na magsisimula sa October 19 hanggang 28.