May 24, 2025
Piolo Pascual and the life he wants
Latest Articles Rodelistic

Piolo Pascual and the life he wants

Oct 24, 2017

Walang duda na si Piolo Pascual ang isa sa mga artistang hanggang ngayon ay masasabing nasa tugatog pa rin ang kasikatan. Pangalan pa lang niya ang naririnig, kinikilig na ang halos lahat ng mga tagahanga niya.

Box-office records, certified music hits, iba’t-ibang endorsements at siya si “Papa P,” ang Dream Boy na halos lahat na yata ng kababaihan- mapa-single ladies o certified mommies ay gustong makasama.

Pero sa kabila ng “glamour at fame,” may isang side si Piolo Pascual na paminsan-minsan, mas pinipili niya ang tahimik at relax na buhay.

I’ve learnt to not take my work home. Iniiwan ko sa set. Pagkatapos mag-trabaho, uuwi ako sa bahay. Wala akong stress. Hindi ko ini-stress ang sarili ko.”

Kaya naman kapag nasa bahay lang siya, mas makikita raw ang Piolo na mas gusto ‘yung easy life lang at ang nakasanayan na lasa ng comfort food niya tulad ng corned beef.

Sey nga niya, “Pag nasa bahay lang viagra pas cher ako, comfort food ko ‘to. Yung nailuluto ko. Gisa-gisa, konting sibuyas.”

A certified foodie, hindi takot si Piolo na sumubok ng bago at puwedeng mas magustuhan lalo na ng panlasa niya.

Kaya naman para kay Piolo, isang malaking blessing sa kanya na maging ambassador ng Highlands Gold Corned Beef with Angus Beef.

Katulad din ng maraming mga batang misis ngayon at nanay na lumipat na mula sa lumang brand ng kanilang corned beef sa Highlands Gold Corned Beef with Angus Beef, gayundin nga ang actor/singer/producer.

His comfort food, “I’m happy when I tasted it. It is so good,” pakli niya.

Sabi pa ni Piolo, “Walang bawal sa akin. I can eat anything. Malakas akong kumain, sobra. Kaya malakas akong magwork-out. Ayokong i-deprive ang sarili ko. For me, eating is a reward.”

Photo from Piolo's instagran account
Photo from Piolo’s instagran account

Samantala, marami ang pumuri sa aktor sa acting na ipinamalas niya sa kaniyang huling pelikula na “Last Night.” Marami ang nagsasabi na puwede siyang makasungkit ng Best Actor sa nabanggit na pelikula nila ni Toni Gonzaga mula sa Star Cinema.

Leave a comment