
Thuy in the PH: At last I’m home
Nasa bansa na ang Prince of Ballad na si Gerald Santos matapos ang halos walong buwang pagkawala para sa Miss Saigon UK Tour.
Dumating noong November 13, alas-diyes ng gabi lulan ng Emirates Airlines sa NAIA Terminal 3 ang Thuy ng Miss Saigon.
Naging maramdamin nga ang pinost niya sa kanyang Facebook account dahil sa mainit na pagsalubong sa kaniya ng kaniyang pamilya at tagasuporta.
“After 18 hrs. Of flight and little to no sleep, at last im home! When i saw my family, friends, loved ones and even my Team Gerald (Supporters), waiting for me at the airport, the fatigue just vanished! It was such an emotional but really joyful moment for me! As soon as the plane landed I couldn’t stop smiling because of the thought that I’m home now! Maraming salamat po! Time to rest for now! #7monthsIveBeenAway #IKeptFaithWeWouldMeet #Philippines#MissSaigonUK #Holiday #ThuyTravels #ThuyVacation #Break #AtLast#ThankYouLord @ Manila International Airport Terminal 3.”
Naging matagumpay nga ang kanyang partisipasyon sa musical play bilang Thuy na pinuri at minahal ng mga banyagang manonood.

Hindi biro ang mahigit isang daang palabas na ginawa ni Gerald kaya naman nakaramdam din siya ng kapaguran pero mas angat ang pagiging masaya niya sa panibagong yugtong ito ng kaniyang karera.
Dalawang linggo lang ang bakasyon sa Pilipinas ng magaling na singer at kailangan niyang bumalik sa UK para sa pagtatanghal pa ng Miss Saigon na tatagal pa hanggang 2019.
Inaasahang dadagsa ang offer kay Gerald hindi lamang dito maging sa ibang bansa dahil na rin sa mga papuri at magandang feedback sa kaniyang performance sa Miss Saigon.

Balita ngang pipirma na raw siya ng kontrata sa Star Magic at bukod pa rito, maraming producers ang nagkakainteres na gawan siya ng konsiyerto.