
Teen Queen Kathryn Bernardo opens KathNails; fans show support
Dinagsa ng mga taga-hanga at ng publiko ang opening ng salon ni Kathryn Bernardo na KathNails, Nov. 19, SM MOA.
Talagang hindi lang sa pag-acting maaasahan si Kath pati sa pagbi-business ay humahataw din sya.
Bukod nga sa La Luna Sangre ay pinagtutuunan ni Kath ng pansin ang KathNails. At magkakaroon na nga rin ng branch sa Ayala Cloverleaf sa Balintawak.
Sa sobrang dami nga ng tao sa opening sa MOA ay may mga nahimatay. Nagbukas ng 3pm subalit umaga palang ay marami nang nag-aabang na mga taga-hanga ni Kath.
Very supportive ang family ni Kath. Dumating si Mommy Min na talaga namang pinagkaguluhan din ng fans.
Present din sa event ang ka-loveteam ni Kath na si Daniel. Kahit busy ay umattend para suportahan si Kath sa kanyang business.
Naalarma ang marshalls dahil sa sobrang dami ng tao. Lalo pa nang dumating si DJ. Bandang 4 pm nagkaroon ng ribbon cutting bilang pormal na pagbubukas ng salon.
Binigyan ng yakap ni Kath at DJ ang mga nahimatay. Very successful ang opening.
Napatunayan na naman ni Kath na maraming tao ang tumatangkilik sa kanya, mapa-business man.
Nagkaroon din ng photoshoot ang Teen Queen kahapon.