May 23, 2025
Robin still in love with Sharon; Ogie’s Pak! Humor is a hit
Latest Articles This is it!

Robin still in love with Sharon; Ogie’s Pak! Humor is a hit

Nov 28, 2017

After 16 years, balik-tambalan sina Sharon Cuneta at Robin Padilla sa pelikulang “Unexpectedly Yours” mula sa Star Cinema.

Sa presscon ng naturang pelikula, tinanong si Robin kung naaalala pa rin ba niya ‘yung panahong na-in love siya sa Megastar.

“Hanggang ngayon po nai-inlove pa rin po ako (kay Sharon),” sabi ni Robin.

Pagkatapos ay ibinaling niya ang atensyon sa co-star nilang si Joshua Garcia, na gumaganap bilang pamangkin niya sa pelikula.

img_20171128_075503

“Ang maganda diyan, tingnan na lang natin si Joshua. Kasi, sa kanya ako kumukuha ng energy, e. Buhay na buhay itong batang ito. ‘Yung pag-ibig niya kay Yanni (pangalan ng character ni Julia Barretto sa pelikula at katambal ni Joshua), ha, hindi ko alam kung ano ang istorya ninyo, e.  Pero sa shooting namin, masarap tingnan sila kasi nakakabata sila. Napakaraming alaala ang tumatakbo sa isipan ko.”

Sa tanong naman kay Robin kung ano ang maipapayo niya kay Joshua sa larangan ng pag-ibig, since marami na siyang experience tungkol dito, ang sabi niya,

“Sabi nila, huwag na huwag kang mabubuhay sa nakalipas.Ang tamis ng kasalukuyan ang iyong namnamin. Kailanman ay huwag mong problemahin ang kinabukasan, ‘yan ang advice ko sa ‘yo. Kung ano itong meron ka na nararanasan mo sa kanya, tamisan mo pa nang tamisan.”

img_20171128_075518

Sumang-ayon naman si Joshua sa advice sa kanya ng action star.

Pag-amin niya, “Parang tumugma nga ang lahat. Ako kasi ‘yung tao na overthinking. Oo, parang masyado akong excited sa mangyayaring kasunod, hindi ko ine-enjoy kung ano ang meron ngayon. Kaya thank you po.”

img_20171128_075535

Showing na sa Wednesday, November 29 ang Unexpectedly Yours. Mula ito sa direksyon ni Cathy-Garcia Molina.

*************************

Bongga ang kaibigan naming si Ogie Diaz dahil ang librong sinulat niya na ‘Pak! Humor’ ay bumenta na ng 40 thousand copies sa loob pa lamang ng isang buwan mula nang i-release ito.

ogie-diaz

Kaya naman sobrang masaya siya ngayon at nagpapasalamat sa lahat ng bumili ng kanyang libro.

Ang ‘Pak! Humor’ ay mabibili sa lahat ng branches ng National Book Store (www.nationalbookstore.com) sa halagang 185 pesos lamang.

Part ng sales ng libro ay ibibigay ni Ogie sa foundation na tinutulungan at sinusuportahan niya, ang Philippine Foundation for Breast Care, Inc., or Kasuso Foundation (mga pasyenteng may breast cancer).

img_20171128_082146

‘Yan si Ogie Diaz. Kaya naman tuloy-tuloy ang blessings na dumarating sa kanya.

Leave a comment