
EA Guzman gets serious with his “baklang-bakla” role
May pinagbibidahang pelikula sa MMFF 2017 si Edgar Allan Guzman kasama si Joross Gamboa.
Ito ay ang Deadma Walking mula sa T-Rex Entertainment at sa direksyon ni Julius Alfonso.
“Ako rito si Mark. Isang flamboyant gay, wild, loud,witty, naughty. Ladlad ako rito, baklang-bakla. Si Mark, isang matalik na kaibigan ni John (Joross). Siya ‘yung tutulong kay John, na ayusin or balakin ‘yung fake death o burol na pinaplano niya. Nung una ayaw kong pumayag kasi parang sa tingin niya, gagamitin lang siya ni John. Pero dahil mahal niya at totoong kaibigan niya si John, napapayag din siya. After that,dun na nag-start ‘yung masasayang memories nila,” sabi ni Edgar Allan tungkol sa kanyang role sa Deadma Walking.
Kahit bading ang ginagampanan nina EA (tawag kay Edgar Allan sa showbiz) at Joross sa Deadma Walking, ay hindi naman daw tungkol sa kabaklaan ang kanilang pelikula.
“Itong Deadma Walking, hindi po siya about beki na may jowa o mai-inlove sa kapwa niya lalaki. It’s about friendship. It’s about love sa kaibigan mo, kung anong kaya mong i-sacrifice para sa kaibigan mo. ‘Yun ‘yung tema ng pelikula.
“Seryoso itong pelikula at the same time, may comedy pa rin. Kasi siyempre, bading,diba? Always kapag may mga gay roles naman, ibig sabihin nakakatuwa at masayang-masaya ‘yung pelikula, so ‘yun po. May mga lovelife kami rito pero hindi lang talaga in-establish ng solid. Kumbaga, part lang siya nung climax ng story,” paliwanag pa ni EA.
Maraming beses nang gumanap na bading sa pelikula at telebisyon si EA. Paano niya ikukumpara ang bading role niya sa Deadma Walking kumpara sa gay roles na nagawa niya before?
“Eto kasi, all out na, e. Kumbaga, sobrang landi na, sobrang harot,” sagot ni EA.
Kung sakaling totoo siyang bading, sinong aktor ang magugustuhan o mata-type-an niya?
“Sino ba? Gusto ko yung malakas ang dating, yung malakas ang sex appeal, eh. Siguro, si Derek Ramsay. Malakas kasi ang sex appeal niya. I admire him sa ganda ng katawan niya. Gusto kong maging ganun kaganda ang katawan ko.”
Showing na simula sa December 25 ang Deadma Walking.