
Harlene Bautista follows parents’ good relationship with the press
Si Harlene Bautista ang tinanghal na Darling of the Press sa katatapos na 34th Star Awards For Movies na ginanap sa Resorts World Manila, Sunday.
Sa kanyang acceptance speech, sinabi ng mahusay na aktres, na hindi lang daw para sa kanya ang natanggap na tropeo kundi para sa kanilang mga magulang (ang namayapang si Direk Butch at Baby Bautista) dahil ang mga ito raw ang unang nagmahal sa entertainment press, na ipinagpatuloy lang daw nilang magkakapatid (Mayor Herbert at Hero).
Sa huling bahagi ng speech ni Bebs (palayaw ni Harlene), sinabi niya na, ”I don’t mind na maging lifetime Darling of the Press.”
In fairness, deserving manalo si Harlene. In terms of PR at pakikisama kasi sa press ay talagang the best siya.
Kaya naman malapit siya sa lahat ng press, hindi lang sa members ng PMPC.
To Harlene, congrats at mabuhay ka!
Samantala, wagi sina direk Dan Villegas at Sigrid Bernardo sa Star Awards For Movies.
Ang una ay bilang Indie Movie Director of the Year para sa pelikulang Changing Partners while si direk Sigrid naman bilang Movie Director of the Year at Movie Screenwriter of the Year para sa pelikulang Kita Kita.
To direk Dan at direk Sigrid, congrats!
**********************
?FEELING sikat na umano itong isang female singer pagkatapos niyang magkaron ng isang hit single.
Ayon sa nakausap namin, kinuha raw ang female singer para mag-show sa isang malayong probinsiya.
May hotel daw na kinuha para sa kanya para dun magpahinga at matulog dahil kinabukasan pa ang flight niya pabalik ng manila.
Kaso, itong si female singer daw ay inayawan ang hotel na kinuha para sa kanya.
Pinapalitan niya ito ng mas maganda at mas mahal na hotel para mas kumportable raw siyang matulog.
No choice raw ang show promoter kundi pagbigyan ang kahilingan ng female singer.
Kumuha na nga lang daw ito ng ibang hotel para wala nang usapan.
Pero imbudo raw si promoter sa female singer. Hinding-hindi na raw niya ito kukunin pa sa mga susunod niyang event.
Talaga raw naturete siya sa inasal ng female singer.
Sino si female singer?
Ang sikat na awitin niya ngayon ay nanalo sa isang singing competition.