
From playing ball to finding home
Nagkaroon ng special screening ang documentary film na “Journeyman Finds Home: The Simone Rota Story” sa Uptown Ultra Cinema in Taguig at naroon mismo ang bida sa story, no less than Simone Rota.
Hindi namin inaasahan na heartwarming and inspiring ang naturang docu-film pagkatapos namin itong mapanood.
Hindi lang pala ang interest ni Simone sa football (na sinimulan nya sa Italy hanggang sa mapasama sya sa Azkals) ang laman ng docu-film kundi ang kuwento rin ng buhay nya.
Filipino si Simone na iniwan ng kanyang ina sa bahay-ampunan sa “Buklod Kalinga.”
Simone was then adopted by Italian couple, grew and played football in Italy.
When he returned to Manila to join the national team, nagkaroon din sya ng interest to search his biological mother.
Tinanong namin si Simone kung bakit nais nyang makita ang kanyang ina.
“I’ve so many questions in mind, like, how she looks like, about her family now or what, and of course I’ll ask her why she left me in the orphanage,” ang sagot ng six-footer football player.
The feeling after watching his own story?
“I’m happy, very happy because everything in it were true. I also able to see my friends again back there in Italy and my parents, I terribly missed them,” pahayag niya.
In the docu-film, ipinakita ang husay ni Simone sa football along with his team like Phil and James Younghusband.
Pati ang injuries na nangyari sa kanya. Ipinakita rin ang dibdibang paghahanap nya sa kanyang ina, ang mga interview sa madre na nasa “Buklod Kalinga” at sa iba pang mga tao na may konek sa pagkatao ni Simone.
Hindi na namin sasabihin kung natagpuan ba nya ang tunay niyang ina at ang iba pang pangyayari.
Panoorin nyo ang docu-film na entry sa SINAG MAYNILA 2018 (Documentary Category) sa March 7-15 in (8) SM Cinemas in Metro Manila–Megamall, North Edsa, Mall of Asia, South mall, Fairview, Manila, Sta Mesa and Bacoor.
From Spear Films and Luna Production, “Journeyman Finds Home: The Simone Rota Story” is directed by Albert Almendralejo (executive producer, “Baseco Bakal Boys” and “Little Azkals”) and Maricel Cariaga (writer-director, “Pitong Kabang Palay”).
“Journeyman Finds Home: The Simone Rota Story” is also a finalist in the competition category of the Inaugural European Philippines International Film Festival (EPIFF) 2018 to be held on March 7-9 in the historical Teatro Della Compagna and Cinema Alfieri in Florence, Italy.