
Lani Mercado nagsalita tungkol sa malaking pagbabago sa kanilang buhay
by Mildred Amistad Bacud
Unang Pasko na hindi nagdiwang ang pamilya ni Senator Bong Revilla sa kanilang tahanan kasama ang buong pamilya. Dati nag-uumpisa raw ang pagdiriwang nila sa MMFF Parade. Kada taon kasi ay may entry si Sen. Bong sa Metro Manila Film Festival pero natigil no’ng 2012 na ang huli niyang ginawa ay ang pelikulang ‘Si Agimat, Si Enteng at Ako.
Sabi ni Lani sa interview niya sa TV Patrol,
“So, iba ngayon, totally very, very, very different, parang 180-degree turn and it’s different. It’s going to be different.”
Nobyembre nung nakaraang taon nakulong ang senador sa Camp Crame kasama si Sen. Jinggoy Estrada. Bagaman mahirap, tinutuon na lamang daw ni Congresswoman ang atensyon sa ibang bagay.
“I try to attend a lot of functions in my district, kasi kongresista po ako. So I have to go around my district. I have to make sure na nakikita ako ng tao despite of trials in my life.”
“So, yun yung comfort zone ko, basically. Kasi mararamdaman mo yung pagmamahal nila, nandun. You’re not judged when you’re in your district. Mahal ka ng tao.”
Tulungan daw ang nangyayari sa kanyang pamilya. Proud daw siya sa mga anak na pumupuno kung ano man ang kulang sa kanilang bahay.
“Ay, oo… When you’re at home, siyempre you miss somebody at home, kasi hindi kayo kumpleto as a family. Pero your kids try to fill up that space. Tsaka, ayun, you make it a point to visit him every day despite the hectic schedules, despite the responsibilities. I try to go there sa Camp Crame every day, except for Mondays.”
Nang kamustahin naman ang kanyang asawa, sagot niya,
“He’s a strong man. Malakas ang will power niya. Minsan mas mahina pa kami kaysa sa kanya. Siguro, it’s the people who visit him. It’s the spiritual fellowships that happened inside the camp that make him strong, kasi he has a Tuesday group and we have Sunday fellowship.”