May 24, 2025
Sofia undergoes martial arts training for role as “taga laot”
Latest Articles

Sofia undergoes martial arts training for role as “taga laot”

Mar 16, 2018

Isa si Sofia Andres sa limang bida sa bagong action/fantasy series ng ABS-CBN 2 na “Bagani.”

Gumaganap sya bilang Mayari.

“Ako po’y isang taga laot. Isa po akong alipin na nangangarap na pakinggan ang boses naming mga alipin.  Nakikiusap siya sa datu, na sana tratuhin ang lahat ng tao ng pantay-pantay, walang nasa itaas, walang mas mababa. At nabigyan ako ng kapangyarihan upang maisalba ang lahat ng mga tao sa laot, kasi sila ay nahihirapan,” kwento ng aktres tungkol sa kanyang role sa “Bagani.”

Nag-undergo ng martial arts training si Sofia bilang paghahanda sa kanyang role.

“We had training for one month, Wushu training, and I had to lose weight because I was really kinda chubby.  ‘Yun medyo nahirapan ako dun because I love eating.”

First time ni Sofia na nag-action. Although aminado siya na nahirapan siya sa mga fight scenes niya sa “Bagani,” nag-enjoy na rin naman daw siya, dahil nakatrabaho niya ulit ang mga kaibigan niyang sina Liza Soberano at Enriquel Gil, na una niyang nakasama sa defunct series na “Forevermore.”

img_20180316_090322

It was really challenging because it was like action and I haven’t done an action teleserye ever, even film. So it was fun naman because I was with my friends like Enrique, Liza, and Makisig (Morales).”

Naging kontgrobersyal kamakailan si Sofia.

Nung nag-post kasi siya sa kanyang twitter account ng “Too tired of being too nice” ay nag-comment ang ilang entertainment bloggers, na kelan naman daw ba naging nice sa kanila si Sofia?

Nung na-interview daw kasi nila ang dalaga sa blogconference ng Mama’s Girl at Pusong Ligaw, ay hindi raw ito naka-focus sa interview, kundi sa kanyang cellphone.

Palagi lang daw itong nagti-text. Kaya tinawag siya ng mga ito na maldita at pasaway.

Nang mabasa ni Sofia ang comments na ‘yun ng bloggers ay humingi siya ng sorry sa mga ito sa pamamagitan ng instagram story.

“Now at least I know, kaya next time, hindi na ako magsi-cellphone habang ini-interview. Pero sana naman ay mag-give chance sila sa akin, na huwag nila akong i-judge ng ganun-ganun.”

Aminado naman si Sofia na nasaktan siya sa mga tira o negative comments sa kanya ng bloggers.

“Siyempre nasaktan po ako. May nabasa pa akong comments sa instagram na maganda nga ito pero may attitude. Pero siyempre hindi naman natin mapipigil yung mga ganun. Pero I respect them.”

Leave a comment