
Not just good looks, Clique V enjoys first major concert
Naging matagumpay ang first major concert ng grupong Clique V na kinabibilangan nina Marco, Clay, Karl, Sean, Josh, Rocky, at Tim kamakailan na ginanap sa Music Museum.
As in puwede na talaga silang magperform sa maraming tao na hindi na nahihiya at kaya nang magpasaya ng live audience.
Sabi nga’y puwede na raw tapatan ang Boy Band PH dahil na rin sa galing nila at karisma sa mga tao lalo na sa mga bagets.
Of course masaya ang 316 Events and Talent Management ni Madam Len Carillo sa achievements na itong maituturing ng kaniyang mga alaga. As in nagbunga na rin ang kaniyang paghihirap. Hindi basta-bastang effort ang ginagawa niya para lang magtagumpay ang Clique V.
Siyempre pa, malaki na rin ang nagagastos niya pero hindi naman isyu kay Madam Len ang pera. Ang importante sa kaniya ay makatulong at maisakatuparan ang pangarap ng mga bata.
Siyangapala, bukod sa katatapos na concert ng CliqueV ay abala rin sila sa pagpo-promote ng kanilang album.
Gumagawa na ng ingay ang single nilang “Pwede Ba, Teka Muna” na komposisyon ng Himig Handog winner na si Joven Tan.
Bukod sa Pwede Ba, Teka Muna, marami pang magagandang kanta sa kanilang album gaya ng Ako Nalang Sana, Bakit Hindi, Magmula Ngayon, Mabuti Nalang, at Sana Naman.