May 24, 2025
Tofarm Chief Advocate Dra. Milagros continues festival’s advocacy without the late director Maryo
Latest Articles

Tofarm Chief Advocate Dra. Milagros continues festival’s advocacy without the late director Maryo

Mar 17, 2018

Sobrang nalungkot si Dra. Milagros How, Tofarm Chief Advocate nang sumakabilang-buhay ang batikang filmmaker at dating Tofarm Festival director na si Maryo J. delos Reyes.

“Nalungkot ako kasi wala nang magga-guide sa akin sa Tofarm. Siya iyong nagga-guide sa akin . Now, that he’s gone, nahirapan ako but with the help of my advisers, all systems go na siya this year,” sey niya.

Aminado rin siyang nami-miss niya ang namayapang director na nakasama niya nang humigit-kumulang na tatlong taon.

“Mabilis siyang mag-isip. Very genuine person siya. Marami siyang gustong gawin sa Tofarm, kaya nag-click kami. Alam niya ang mga problema ng mga filmmakers na hindi nailalabas sa theatres ang mga movies nila ,” aniya.

Aware rin siya sa naging health problem ni Direk Maryo.

“Masyado siyang nalungkot sa pagkamatay ni Jake Tordesillas, affected siya. Malungkot rin siya noong nangyari iyon,” pagbubunyag niya.

Hindi naman niya ikinaila na nag-suggest si Direk Maryo na itigil muna ang festival last year.

Siya ang nagsabi na i-market muna namin ang mga films namin para sa ROI. Sabi ko, nalulungkot ‘ata ako kasi brainchild namin ito. After a lot of thinking, I personally thought it’s best to carry what Direk Maryo started. After all, the festival would be a continuation of his vision for the farmers and for our film industry. This is, in a way, a tribute to him,” paliwanag niya.

Sinabi rin ni Dra. How na magpro-produce na rin siya ng commercial movies.

Gusto ko ring mag-open sa commercial films. Si Direk Maryo ang nagsabi siya sa akin na gawa kami ng LGBT, pero iba-ibang genre naman ang gagawin namin,” deklara niya.

Sa tanong naman kung puwede ba siyang lumabas sa anuman sa mga entries, ito ang naging sagot niya.

“Hindi siguro, baka hindi mabenta,” aniya.

Hindi naman niya isinasara ang posibilidad na maisapelikula ang kanyang makulay na buhay sa hinaharap.

received_10215325365837822

“Huwag muna ngayon. Pag 80 years old na ako, saka ko pagagawa ang buhay ko,” ani Dra. How.

Bukod sa Tofarm, abala rin si Dra. How sa international symphony orchestra competition na inorganisa ng Universal Harvester, Inc. (UHI)sa pamamagitan ng TOFARM, bilang bahagi ng Banaue Rice Terraces Restoration Project.

“It’s different from my company, It’s my project,” pakli niya.

Dagdag pa niya, hiwalay pa raw ito sa Tofarm Songwriting Competition na nasimulan nila noong nakaraang taon.

Magkakaroon din kami hopefully this year, pero isa-isahin namin at hindi siya sabay-sabay,” bulalas niya.

Hirit pa niya, bukod sa full length films, merong Tofarm short film competition this year.

Pitong short films na kinunan sa cellphone ang pipiliin ng Tofarm Film Festival selection committee na bibigyan ng cash prizes, trophies, smartphones at steadicam rigs.

May temang “A Tribute to Life:Parating Na,” ang ikatlong edisyon ng Tofarm Filmfest ay gaganapin sa September 12 -18.

Tumatanggap na ang entries ang Tofarm Screening Committee. Ang deadline sa full length feature at short films ay sa April 20.

Ang pitong mapipili sa full-length category ay bibigyan ng seed money na P1.5 milyon para pondohan ang kanilang produksyon.

Ang mga kalahok ay puwede rin silang kumuha ng kanilang financiers o co- producers ng kanilang entries.

Ang pitong short at full-length feature films ay kailangang isumite sa MTRCB para marepaso ng board.

Ang awarding ceremony nito ay idaraos sa September 15, 2018.

Leave a comment