May 24, 2025
Is Iza Calzado getting married soon?
Latest Articles

Is Iza Calzado getting married soon?

Mar 19, 2018

Magiging abala ang mga alaga ng kaibigang Noel Ferrer sa dami ng mga proyektong gagawin nila.

Ang dami na pala niyang alaga na dumalo sa National Breakfast Day na pinangunahan ng Mcdonalds.

Kabilang sa mga alaga niya na nakiisa sa simpleng okasyon ay sina Iza Calzado, Atom Araullo, Rowell Santiago, Richard Quan, Joross Gamboa, Mitch Valdez, Joana Ampil, Marco Alcaraz, Edgar Allan Guzman at marami pang iba.

received_10213051770983540

Masuwerte ang mga talent niya dahil lahat sila ay may mga project at bising-bisi sa mga gagawin nila mapa-Tv, pelikula, stage play, recording at endorsement.

Of course, masuwerte rin si Kapatid na Noel dahil sa kooperasyon at pagiging masunurin ng kaniyang mga alaga.

Ang matagal na sa kanyang poder na si Iza Calzado ay nagsabing may malaking pelikulang gagawin.

received_10213051859385750

Sa kaniya namang personal na buhay na palaging natatanong kung kelan ang kaniyang kasal ay sinabi ng magaling na aktres sa harap ng press na dumalo sa masasabing thanksgiving party na rin ay baka sa huling buwan ng 2018 ay lalagay na siya sa tahimik.

received_10213051843105343

Of course, ang isa naman niyang alaga na blooming talaga ang career na si Joross Gamboa ay susubukang magdirek ng isang online show ng ABS-CBN bukod pa sa pelikulang gagawin ng versatile actor.

received_10213051860105768

Habang si Atom Araullo naman ay abala sa mga show niya sa GMA 7 at sa pagpo-promote ng pelikula niyang Citizen Jake na marami ang pumuri nang maipalabas ito kamakailan sa isang special screening sa UP Film Center.

received_10213051954628131

Siyempre pa, ang paborito namin sa lahat na si Richard Quan ay kaliwat-kanan din ang mga proyekto sa TV at pelikula. Puring-puri naman ang akting ng aktor sa pelikulang Citizen Jake ng mga nakapanood na at maging mga kasama niya sa pelikula.

Leave a comment