May 24, 2025
Barbie observes Derrick’s maturity, appreciates direk Louie’s love for art
Latest Articles

Barbie observes Derrick’s maturity, appreciates direk Louie’s love for art

Mar 21, 2018

Gusto man daw makatrabaho ni Barbie Forteza ang kanyang dyowang si Jak Roberto ay hindi niya ito magawa dahil wala pa raw siya sa posisyon na kayang mag-demand.

Ayon pa sa lead star ng “Almost a Love Story,” sumusunod lamang siya kung sino ang gustong ipareha ng mga producer sa kanya.

“Gusto ko rin naman siyang maka-work kaya lang wala naman akong ganoong powers. Saka, thankful na ako na ako ang pinili for this movie .Hindi naman ako iyong nagre-request ng katrabaho,” deklara niya.

Kahit may mga tutol daw sa tambalan nila ni Jak, hindi raw nawawala ang pag-asa niyang magkakasama sila sa isang proyekto.

“Hindi naman hopia pero nandoon iyong wish na magkaroon kami ng project, pero naggue-guest naman kami sa Pepito, pero iyong project together, hindi naman nawawala ang pag-asa ko,” ani Barbie.

Sa bago niyang pelikula na “Almost A Love Story,” umaasa si Barbie Forteza na tatangkilikin ang tambalan nila ni Derrick Monasterio na dati na niyang naka-loveteam noong “Tween Hearts” years.

Hirit pa ni Barbie Forteza, totoo raw nagparamdam sa kanya ang leading man niyang si Derrick Monasterio, subalit dahil mga bata pa sila noon ay hindi niya ito sineryoso.

“Kasi kami ni Derrick, lumabas kasi kami dati bilang love team at kami lang iyong magkasama pero hindi ko siya ma-consider na date kasi dahil hirap na alisin sa isip ko na tropa ko lang si Derrick,” pagtatapat niya.

Feeling ko rin, dahil napakabata pa namin noon, feeling ko, hindi pa kami handa,” dugtong niya.

Excited siya sa balik-tambalan nila at umaasa siyang may bagong putaheng ihahatid ang kanilang muling pagsasama.

“Matagal kaming hindi nagka-work ni Derrick kasi naging love team sila ni Bea at happy ako na nakita ko na iyong maturity niya,” sey niya.

Challenging din ang role ni Barbie sa bagong obra ni Direk Louie Ignacio na nagbigay sa kanya ng best actress award sa “Laut.”

“Isa akong painter. Kaming dalawa ni Luigi. (Derrick). Nakakatuwa kasi parang may personal touch si Direk Louie dito sa pelikula. Siya rin mismo ang nag-conceptualize. He, himself is a painter, so talagang nakakatuwa dahil ako ang na-vi-visualize niya na mag-portray ng role,” paliwanag niya.

Hindi raw marunong magpinta si Barbie pero nakaka-appreciate naman daw siya ng sining.

“No. Hindi ako nagpi-paint, pero napa-fascinate ako roon sa mga taong talented. Sobrang bilib ako sa dedication nila sa art especially kay Direk Louie na they make time para i-express iyong kanilang art. Kahit na sobrang busy noong tao, naisisingit pa rin niya iyong art,” giit niya.

received_10215363177583092

Sa Italy, kinunan ang “Almost A Love Story” at ipinaliwanag kung bakit dito napiling i-shoot ang pelikula.

“Italy is one of the most romantic places. In this masterpiece, Direk Louie would not settle na hindi siya makunan in the best place,” paliwanag niya.

Sa kanilang balik-tambalan ni Derrick, hindi raw nagseselos si Jak.

Naniniwala rin si Barbie na hindi kailangang maging sweethearts ng magka-loveteam para tangkilikin sila ng mga manonood.

Ang dami naman ng love teams na tinangkilik ng mga tao kahit hindi sila. Nariyan sina John Lloyd at Sarah, pati na iyong Alempoy at sina Bela at JC, so nasa istorya rin iyon. Kung maganda ang istorya mo at quality iyong movie na ginawa mo, tatangkilikin at tatangkilikin siya ng mga tao,” sey niya.

Nag-react din siya sa napapabalitang pagkakabuwag ng love team ng Aldub na tila hindi na priority ng kanilang mother network.

“Siyempre, nalulungkot ako kasi, phenomenal din iyong love team nila at sayang naman kung masasayang iyong kanilang pinaghirapan para lang mabuo iyong loveteam,” deklara niya.

Nakaka-relate rin daw siya kay Maine dahil tulad ng Dubsmash Queen ay ayaw din daw niyang magpadikta sa kanyang mga fan o sa ibang tao pagdating sa usapin ng kanyang puso.

“Ako rin naman personally, verbal din ako sa mga nakatrabaho ko na ka-love team, pero hindi naman ako umabot sa point na nasakal,” pagtatapos ng aktres.

Leave a comment