
RS is vocal about his sex encounter with male celebs
Sa interview namin kay RS Francisco, inamin niya na nagkaroon siya ng sexual encounter sa apat na male celebrities.
Tikiman lang daw ang nangyari. Wala raw siyang nakarelasyon isa man sa mga ito.
“I’m not the relasyon type, e. So, relasyon, wala,” pahayag ng aktor.
Ayaw pangalanan ni RS ang apat na naka-sex niya.
Kilalang tao raw kasi ang mga ito, kaya gusto niyang proteksyunan ang identity ng mga ito.
Pero sa apat na iyon, ilan ang hanggang ngayon ay sikat?
“Two and a half,” sagot niya na natatawa.
“Yung isa, hindi masyado. Dalawa sikat, ‘yung isa hindi masyado. ‘Yung isa, wala na sa showbiz.”
Sa apat, ilan ang straight at ilan ang bisexual or gay?
“Dalawa ang straight, sure ako, ‘yung dalawa hindi, baka tatlo ang straight dun. ‘Yung isa dun, hindi ako sure, e,” pagbubunyag ni RS.
O di ba, bongga si RS, may natikman siya na mga sikat na aktor?
At least si RS, proud man siyang ipangalandakan na natikman niya ang mga ito, pero ang maganda naman sa kanya, hindi niya pinapangalanan, di ba?
************************
Bongga ang internet heartthrob na si Klinton Start, dahil kamakailan ay tumanggap siya ng award bilang Outstanding Male Performer sa 38th Peoples Choice Awards.
Sa Faceboook post niya ay pinasalamatan niya ang lahat ng nakatulong sa kanyang career.
Sabi niya, “First of all thank you lord for this first blessing this 2018 and to my manager tito John Fontanilla thank you po sa lahat ng opportunity na binibigay niyo po sakin and sa lahat ng patuloy na sumusuporta sakin #KLINTONLOVERS #KLINTONATICS #KLINTONATION, this award is for you guys, mahal na mahal ko kayo and sa mga taong nandyan para sakin lagi Haye Start, Ann Malig Dizon and Alyzah Mykhaila Lava.”
Congrats, Klinton!