
Is Matt Evans secretly jealous of Carlo Aquino?
“Masaya ako na official na rin si Carlo Aquino,” deklara ni Ms. Rhea Anicoche Tan, Beautederm owner at CEO.
Pumirma ng dalawang taong kontrata ang actor bilang ambassador ng Beautederm.
Hindi kaya magselos si Matt Evans na original endorser?
“Dalawa silang naka-contract. Two years pareho. ‘Wag selos dahil love ko silang dalawa,” pakli ni Ms. Rei.
“Walang isyu dahil magkaibigan ‘yun. Walang ere at arte na artista si Matt. Wala siyang pinipili na kakausapin. Gusto ko kasi pag endorser ko parang same kami ng personality. Si Matt natural ‘yung pakikitungo sa tao. Ganoon din si Carlo. Gusto ko ‘yung sincere. Taong maganda sa loob at labas,” dagdag niya.
“It’s an honor to have these two bright stars as part of the Beautéderm Family. Thank you for the trust, Matt and Carlo. I strive hard for excellence to be worthy of your loyalty,” mensahe pa ni Ms. Rei.
Anyway, may isa pang actor na madadagdag sa Beautederm Family. Isang malaking pahulaan pa dahil secret pa raw ito. Tinatanong tuloy kung Kapamilya ba o Kapuso ang bagong makakasama nina Matt at Carlo ngayong April?
Basta ang clue lang ay magaling daw itong actor at may teleseryeng ipinapalabas ngayon.
Abangan na lang ang bonggang launching na magaganap sa pagsasama ng tatlo ngayong Abril.
Lumalaki na ang Beautederm family na kinabibilangan din nina Sylvia Sanchez, Alma Concepcion, Shyr Valdez, Rochelle Barrameda, Jaycee Parker, Maricel Morales, Alex Castro, Jestoni Alarcon, Jimwell Stevens, Hon. Migz Magsaysay, Jericho Aguas atbp.
Samantala, masayang-masaya rin si Ms. Rei kina Carlo at Matt dahil nakikipag-cooperate talaga sila sa mga events ng Beautederm.
Kamakailan ay dumalo ang dalawa dahil sponsors ang nasabing product sa Ms. La Union.
Tuwang-tuwa ang mga tao dahil naglaan pa ng oras si Carlo na mamigay ng Beautederm soap.
Kamakailan naman ay si Matt ang nagpasaya sa Mutya ng Davao na kung saan ay sponsor din ang Beautederm.
Abangan din ang pagbubukas ng Beautederm branches sa Butuan , San Juan, Metro Manila, Malolos, Bulacan at sa April 10, 4:45 PM sa Triton Mall, Ilagan City. Nandoon sina Sylvia Sanchez, Matt Evans, Alma Concepcion at Shyr Valdez.
Major sponsor din ang Beautederm sa Hiyas ng Manaoag sa April 21.
Meron ding meet and greet ang Beautéderm Ambassadors sa May 20 sa BonHam Road sa Hongkong.
Ang unang Beautéderm International Store ay magbubukas din sa Mayo sa Orchard Road, Lucky Plaza Mall, Singapore!
Magkakaroon din ng bonggang grand opening kababayan at meet & greet.
May online sale din ang Beautederm ngayong Abril.