May 23, 2025
Ian explains his “kapilyuhan,” concert, children entering showbiz
Latest Articles

Ian explains his “kapilyuhan,” concert, children entering showbiz

Apr 8, 2018

Pagkatapos manalo ng best actor para sa pelikulang “Ilawod” ni Dan Villegas sa 38th Fantasporto International Film Festival sa Portugal, sa concert scene naman hahataw ang magaling na Kapamilya actor na si Ian Veneracion.

Katunayan, handang-handa nang magpakilig ang Kilabot ng mga Matrona sa kanyang concert na “Ian: In 3 Acts” sa Abril 21 sa Cebu Waterfront Hotel.

Kasama niya rito bilang front act ang Singing Idol na si LA Santos at iba pang guests.

Ayon pa sa actor, maraming sorpresa siyang inihanda para sa kanyang nalalapit na concert.

received_10215519337606995

“This is a concept show. It is Ian is three acts because just like a play or a movie, it has three acts. The first act is what people know about me as an actor. The second act is what people don’t know about me. The third act is what I really am,” tsika ng actor.

May mga sarili rin siyang komposisyon na kanyang aawitin sa nasabing concert.

Speaking of his acts, kamakailan lang, naging viral ang isang video kung saan pinahanga niya ang netizens sa pagpapakita niya ng kanyang galing sa pag-awit at gitara.

Sa nasabing video, animo’y isang rock star ang aktor sa pagtugtog niya kasama ang isang banda ng “Ain’t No Sunshine,” na patikim lang kung ano ang dapat asahan ng mga fans sa kanyang susunod na concert.

Bukod sa pagtugtog ng gitara at piano, maraming talento si Ian.

Isa rin siyang pintor na makailang beses nang nagkaroon ng kanyang art exhibits.
Mahilig din siyang magluto dahil graduate siya ng culinary arts.

Isa rin siyang lisensyadong piloto na masasabing pantasya ng mga kababaihan na magmaneho ng kanilang mga pribadong eroplano.

Isa rin siyang sportsman na mahilig sa extreme sports tulad ng football, basketball, boxing, golf, sailing, paragliding, motocross, scuba diving, mountain climbing, skydiving at marami pang iba.

Ito rin ang paraan ng ‘bonding’ niya sa kanyang mga anak na isinasama niya sa kanyang out of town exploration at adventures.

Kaya naman, binabansagan si Ian bilang coolest DILF (Dad I’d Like to ‘Friend’) ng mga millennials dahil siya iyong barkada lang ang turing sa kanyang mga anak.

Speaking of his children, especially ang panganay niyang si Draco, maraming nakapansin na artistahin ang mga ito at napakalaki ng potensyal kung papasok ang mga ito sa showbiz.

Pero ayon kay Ian, hindi raw naman niya nakakitaan ng hilig ang mga itong pasukin ang mundo ng glitz and glamour.

“They can be who they want to be. I’m just here to support them. Kasi sa bahay, hindi kami ma-TV. Sa mga kuwarto, wala. Sa living room, sa kitchen, walang TV. Hindi sila masyadong ma-showbiz,” hirit niya.

Hindi rin daw naman niya ini-encourage ang mga ito, dahil priority sa kanya bilang magulang na matapos ng mga ito ang kanilang pag-aaral.

I would not encourage them. I would not discourage them either. I would honestly prefer that they choose their own path. Kasi, I would not be able to help them myself, kasi sa showbiz, tatawag ka sa mga prodyuser na ‘O, i-cast mo naman ito o si ganito” which is not my cup of tea or else I’ll be depriving them of this and that,” sey niya.

“I’m enjoying that in my life, wala akong padrino. Wala akong showbiz family na you really have to hone your skills to prove your worth. When you land in a job kasi, you’re confident because of the work that you’ve done and nothing else and I don’t want my kids to be in that position na hindi naman nila pinaghirapan,” dugtong niya.

Napaka-wholesome ng image ni Ian pero aminado siyang bilang isang lalake, meron din siyang kapilyuhan.

“Lahat naman tayo may konting kapilyuhan. May itinatagong kapilyuhan pero iyong sa akin, it’s a good kapilyuhan,” paliwanag niya.

fb_img_1523155600278

Sa akin kasi, my being an actor is just one slice. It’s just one part of my life. I feel that I am not defined by my work. There’s so much going on in my personal life, my interests, my sports and my hobbies and ngayon nga, my music na ngayon, lalabas pa lang,” pahabol niya.

Bukod sa Cebu Waterfront, magkakaroon din ng show ang Ian in 3 Acts sa Resorts World Manila sa Mayo 13.

Leave a comment