
Why not a sitcom for Marian, Dingdong; 20th Gawad Pasado honors Joanna Ampil’s performance
Habang pinapanood namin ang TVC ad para sa Cignal TV nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang kyut nilang anak na si Baby Zia na masaya at kulitan ng pamilya ay napaisip kami na wala kayang balak ang Kapuso Network na gawan sila ng sitcom?
It’s about time siguro na mag-sitcom na ang mag-asawa kahit hindi kasali si Zia na for sure hindi nila papayagan. Pwede naman ibang bata o mga bata ang makasama nila. Nakikita namin kasi na swak ang Dongyan para sa isang comedy show na pampamilya na pupunuin ng magagandang values ng Pinoy.
Bilang masasabing isa sa mga perfect couples sa showbiz, siguradong marami ang magkakainteres na panoorin sila sa isang sitcom na iikot ang kuwento sa buhay ng pamilyang Pinoy. Sana maisip ito ng GMA.
Samantala, tuwang-tuwa ang pamunuan ng Cignal TV sa pagiging endorsers ng mag-asawa sa kanilang Cignal Prepaid, ang number one Pay TV provider ng bansa.
Gustung-gusto kasi ng DongYan ang Cignal dahil 108 channels ang pagpipilian at HD pa ito. Bukod dito, nag-eenjoy pa ang kanilang anak na si Zia dahil may Disney channel pa ito.
***
20 years na ang GAWAD PASADO. Ang PAMPELIKULANG SAMAHAN NG MGA DALUBGURO.
Sa Mayo 19, 2018 (7:00-9:00pm) ang kanilang awards night na gaganapin sa The National Teachers College, Manila, City.
Narito ang kumpletong listahan ng
mga winner sa 20th GAWAD PASADO:
PinakaPASADOng Pelikula 2017
Ang Larawan
(Culturtain Musicat Productions)
Seven Sundays
(Star Cinema Productions)
Siargao
(Ten17 Productions)
PinakaPASADOng Direktor 2017
Paul Soriano
(Siargao)
PinakaPASADOng Aktor 2017
Dingdong Dantes
(Seven Sundays)
Empoy Marquez
(Kita Kita)
PinakaPASADOng Aktres 2017
Joanna Ampil
(Ang Larawan)
PinakaPASADOng Katuwang na Aktor 2017
Michael Ketchup Eusebio
(Seven Sundays)
Edgar Allan Guzman
(Deadma Walking)
PinakaPASADOng Katuwang na Aktres 2017
Menchu Lauchengco
(Ang Larawan)
PinakaPASADOng Istorya 2017
Perry EscaƱo
(Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa)
Sigrid Andrea Bernardo
(Kita Kita)
PinakaPASADOng Editing 2017
Lawrence Fajardo
(Ang Larawan)
PinakaPASADOng Sinematograpiya 2017
Odyssey Flores
(Siargao)
PinakaPASADOng Dulang Pampelikula 2017
Eric Cabahug
(Deadma Walking)
PinakaPASADOng Musika 2017
Ryan Cyabyab
(Ang Larawan)
PinakaPASADOng Tunog 2017
Mark Locsin
(Siargao)
PinakaPASADOng Disenyong Pamproduksyon 2017
Gino Gonzales
(Ang Larawan)
COLUMN: RODEL FERNANDO
Entertainment editor: JOSH MERCADO