May 25, 2025
Piolo Pascual on having a girlfriend: Hindi ko sya hinahanap
Latest Articles This is it!

Piolo Pascual on having a girlfriend: Hindi ko sya hinahanap

Apr 17, 2018

Wala pa ring karelasyon ngayon ang super gwapong si Piolo Pascual.

Ayon sa aktor, choice niya ang maging single muna. ‘Tsaka na lang daw siya ulit papasok sa isang relasyon. Hindi raw sa wala siyang time, marami pa raw kasi siyang gustong gawin sa buhay.

“In all honesty, hindi ko siya hinahanap. Ayoko siya hanapin, ayoko na lang muna.”

Siguro, isa rin sa dahilan kung bakit ayaw pang manligaw ulit ni Piolo, dahil ang gusto niya, kung sino ‘yung susunod na magiging girlfriend niya, ay ‘yun na rin ang gusto niyang makatuluyan.

Kaya careful o nagiging mapili na siguro siya sa bagong mamahalin.

Ang tagal na nung huling nakipagrelasyon si Piolo.

At kung hindi kami nagkakamali, si KC Concepcion ang huli niyang naging girlfriend.

After their break-up, na-link naman si Piolo kay Shaina Magdayao. Pero wala naman siyang inaamin na sila na o naging sila.

Ang tanging sinasabi niya lang, ay exclusively dating sila ng nakababatang kapatid ni Vina Morales.

Nagsimula na rin kagabi ang bagong teleserye ni Papa P ang “Since I Found You.”

img_20180417_082925

Maganda ang pilot episode nito at talaga namang pinag-usapan sa social media. Kasama ng aktor sina Arci Muñoz, JC de Vera, Alessandra De Rossi, at Empoy. At sa special participation ni Ms. Charo Santos.

***************

Kahit maraming dumating na mga kaibigan si Bacoor Mayor Lani Mercado mula sa pulitika at showbiz, sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong Biyernes, April 13, ay hindi pa rin lubos ang naging kaligayan niya.

fb_img_1523926356865

Hindi niya kasi nakasama sa pagdiriwang ang mister niyang si Sen. Bong Revilla, dahil naka-detain pa rin ito sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, dahil sa kasong plunder.

Ganunman, nagkausap naman sila sa telepono dahil tinawagan siya ni Sen. Bong para batiin.

fb_img_1523926332516

To Mayor Lani, happy birthday!

***************

May bagong discoveree ang kaibigan naming si Cherry Jaji.

Siya ay si Maryluz Dizon, 5’3, graduate ng Business Management.

May future sa showbiz ang dalaga, dahil bukod sa maganda ay may talent ito, hindi lang sa pag-arte, kundi maging sa pagsasayaw at pagkanta.

May gagawin na siyang movie with direk Chris para sa Cinemalaya.

Makakasama niya rito ang nagbabalik-showbiz na si Jordan Castillo.

Abangan ninyo ang pag-imbulog sa showbiz ni Maryluz.

Leave a comment