May 24, 2025
Maricel Soriano can’t say NO to Mother Lily
Latest Articles This is it!

Maricel Soriano can’t say NO to Mother Lily

Apr 20, 2018

Dumalo kami sa premiere night ng digitally restored film na “Ikaw Pa Lang Ang Minahal” na ginanap sa Trinoma, Cinema 7 nung Wednesday ng gabi.

Present siyempre ang bida sa pelikula na si Maricel Soriano.

Bago ang premiere night, ay nakausap namin siya. Sabi niya, natutuwa siya na isa ang pelikula niya sa ni-restore ng ABS-CBN restoration group kaya nagpapasalamat siya rito.

fb_img_1524188956296
Photo from Ogie Narvaez Rodriguez

Napag-usapan namin ang ginagawa niyang pelikula ngayon titled “Two Mommies” mula sa Regal Entertainment.

Ipinaliwanag ng Diamond Star kung bakit tinanggap niya ito sa kabila ng hindi siya ang bida rito, kundi sina Solenn Heusaff at Paolo Ballesteros. May special participation lang siya rito bilang tiyahin ni Paolo.

received_10156542905031424

Sabi ni Maricel, ”Kasi hindi ko po pwedeng tanggihan si Mother Lily (Monterverde), kasi nanay-nanayan ko po ‘yan. Dyan na ako lumaki, dyan na ako tumanda.”

Patuloy niya, ”At siyempre dun sa kapatid kong si Eric (Quizon, director ng pelikula), hindi pupuwedeng hindi ako nandun, dahil mapapagalitan ako ng kapatid ko. Iisnabin ako nun. Mahal na mahal ko yun, eh.”

Kaya kapatid ang tawag ni Maricel kay Eric ay dahil anak ito ng itinuturing niyang tatay-tatayan sa showbiz, ang namayapang komedyanteng si Dolphy.

Bukod pa rito, ay close rin talaga siya sa aktor, dahil maraming beses niya na itong nakasama noon sa pelikula at telebisyon.

received_10156542895291424

Speaking of Ikaw Pa Lang Ang Minahal’s premiere night, bukod kay Maricel, dumalo rin dito ang direktor ng pelikula na si Carlitos Siguion-Reyna, kasama ang misis niyang si Bibeth Orteza at kanilang anak na si Rafa, ang dating aktres na si Guila Alvarez, na gumanap bilang batang Maricel sa nasabing pelikula, ang screen writer nito na si Raquel Villavicencio, ang musical scorer na si Ryan Cayabyab, dating singer na si Richard Reynoso, na kasali rin sa pelikula, pero sa isang eksena lang, sa party scene.

Ang dating manager ni Maricel na si Manny Valera ay nandun din at ang dalawa niyang managers ngayon na sina Biboy Aboleda at Veana Araneta Fores.

Dumalo rin sa premiere night ang national artist for Litertature na si Bienvenido Limbera.

Ang make-up artist ni Maricel mula nung teenager pa siya na si James Cooper ay present din sa premiere night.

Photo from Ogie Narvaez Rodriguez
Photo from Ogie Narvaez Rodriguez

Ang beteranang aktres na si Nova Villa, na kaibigan ng Diamond Star for a long time, ay nandun din. Si Eric John Salut ang nagsilbing host sa premiere night.

*************

Ipinakilala na ng 3:16 Events & Talent Management sa entertainment media noong April 18 ang grupong Belladonnas na binubuo nina Quinn, Phoebe, Chloe, Jazzy, Xie, Rie at Stiff, who can sing, dance and act.

img20180418204404

Bago ang media launch ay sumabak na rin sa mall shows, corporate shows at school tours ang Belladonnas.

Katulad ng Clique 5, ang Belladonnas ay sumailalim din sa matitinding singing, dancing and acting workshops bilang paghahanda sa future projects sa commericials, TV at pelikula.

“Nag-training ang Belladonnas for almost a year, dire-diretso ‘yon at talagang tinutukunan ko sila. Very cooperative sila, walang attitude problem at talaga namang magagaling kaya masarap tulungan,” proud na pahayag ng 3:16 Events & Talent Management head na si Len Carillo.

Samantala, tinatapos ngayon ng Belladonnas ang recording para sa kanilang debut album na ilalabas ngayong taon.

And soon ay may dalawang advocacy films sila na gagawin, na ang magiging role nila rito ay mga estudyante.

Mapapanood ito sa iba’t-ibang schools.

Bukod sa singing, may karapatan din silang umarte dahil lahat sila ay magaganda, sa totoo lang naman.

Entertainment editor: JOSH MERCADO

Leave a comment