May 24, 2025
THIS IS IT: Kuya Kim is “matinong mister”; Janah Zaplan releases first single “Di Ko Na Kaya”
Latest Articles This is it!

THIS IS IT: Kuya Kim is “matinong mister”; Janah Zaplan releases first single “Di Ko Na Kaya”

Apr 22, 2018

Si Kim Atienza ang guest sa morning show ng ABS-CBN 2 na “Magandang Buhay” nung Friday.

Dinalaw ng dalawang host nito na sina Jolina Magdangal at Karla Estrada ang bahay ng magaling na TV host, triathlete at animal lover.

img_20180422_085948

Ang ganda ng bahay ni Kuya Kim, huh! At para itong zoo sa rami ng hayop, hindi lang sa kanyang garden, maging sa loob ng kanyang bahay.

At marami siyang koleksyon ng motors, scooters, halaman, iconic chairs, fossils, artworks at iba pa.

Sa pakikipagkuwentuhan ni Kuya Kim kina Jolina at Karla, ibinahagi niya kung ano ang sikreto kung bakit nagtagal ang pagsasama nila ng asawang si Felicia Hung.

Kwento niya, pareho raw kasi sila ng interest nito, tulad ng pagiging mahilig at mapagmahal nila sa animals, at marami raw siyang natututunan kay Fely na hindi niya alam, at ito rin daw ay maraming natututunan sa kanya na hindi nito alam.

img_20180422_100122

Si Kuya Kim at Fely ay almost 16 years nang nagsasama. At going strong pa rin ang marriage nila.

Matinong mister naman kasi si Kuya Kim, na hind ito nagloloko o nambababae, ‘di tulad ng ibang lalaki.

Regular pa ring napapanood si Kuya Kim sa TV Patrol mula Lunes hanggang Biyernes at sa Matanglawin tuwing Linggo ng umaga sa ABS-CBN 2.

***************

Available na sa  iTunes ang “Di Ko Na Kaya,” ang first single ng baguhang singer na si Janah Zaplan. Napakinggan na namin ang kanta, and in fairness, ay maganda ito. Makaka-relate sa lyrics nito ang mga kabataan.

Dream na talaga noon pa ni Janah ang maging isang singer. Kaya naman nag-join siya last year sa dating segment ng Eat Bulaga, na Music Hero: The Vocal Battle, na nanalo siya sa daily round.

Pero sa weekly finals ay hindi na siya pinalad na manalo. Ganunman, marami siyang pinahanga that time, at maraming nagsasabi na siya ang dapat  manalo at hindi ang nakalaban niya

Ang “Di Ko Na Kaya” ay mula sa Ivory Music. Nagpapasalamat si Jana sa Ivory Music dahil dito ay  natupad ang pangarap niya na maging isang recording artist.

janah-zaplan

Hindi lang isang mahusay na singer si Janah kundi magaling din siyang sumayaw.

Pinakita niya ang talent niya sa dancing nung mag-guest siya last year sa concert ni Jaya billed as “No Boundaries “ na ginanap sa Music Museum.

Nag-guest din siya sa concert ni Ylona Garcia, na ginanap din last year sa Music Meseum, ang “The Arrival.”

Pero dito ay hindi lang siya basta sumayaw, kundi pinarinig niya rin ang maganda niyang tinig  Abangan ang pag-imbulog ng pangalan ni Janah sa music industry.

 

Leave a comment